Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang MAPUA Student Nagwagi Ng Parangal Sa Kanyang Imbensyon Na Gawa Mula Sa Basura Dahilan Upang Makakuha Ng Solar Energy

Sa ikalawang pagkakataon, ay isang imbentor, ang nakagawa ng isang “renewable energy solution”,na mula lamang sa mga gamit ng mga bagay o di kaya naman ay basura na.




Pinarangalan ang isang BS Electrical Engineering student ng Mapua University, na si Carvey Ehren Maigue, 21-taong gulang, dahil sa kanyang naging imbensyon, kung saan ay mga “used crop” o basura ang kanyang ginamit rito.

Image Credit via Google

Ayon sa ulat, sa mahigit 1,800 na mga kalahok sa ginanap na inaugural Sustainability Award of the James Dyson Award 2020, na may cash price na P1.9 milyon, ay si Carvey Ehren Manigue, ang bukod-tangi na nakakuha ng nasabing parangal.

Image Credit via Google

Sa naging panayam sa binata, ay ibinahagi nito, kung anong klaseng teknolohiya ang kanyang naimbento, na naging daan upang makuha niya ang nasabing parangal.

Image Credit via Google

Ayon nga sa binata ang kanyang naimbento ay tinawag niyang AuREUS: Aurora Renewable Energy and UV Sequestration, kung saan ito ay isang materyal o teknolohiya na ginagamit upang ang ibang mga “devices” ay makahanap ng ultraviolet light, at sa pamamagitan nito ay ikino-convert ito para maging “electricity.”

Image Credit via Google

Ang “crop waste” na ito na inembento ni Carvey ay maaring gawing isang panel para sa mga bintana o di kaya naman ay mga pader, sa ganoong paraan ay makakapag-absorb ito ng UV-light.

Image Credit via Google

Isa din umano sa “advantage” nito sa mga solar panels, ay kahit na hindi into iharap o itutok sa araw, ay kaya nitong makakuha ng UV light.

Image Credit via Google

Samantala, sa naging panayam pa sa binata, ay ibinahagi nito na hindi naging madali ang kanyang buhay estudyante. Dahil upang matustusan niya ang kanyang pag-aaral ay kinailangan niyang tumanggap ng “prototyping projects” at gawin ang ibang mga projects at thesis ng ilang mga estudyante, kapalit ng pagbayad ng mga ito sa kanyang mga ginagawa.

“To be able to fund my schooling, I take prototyping projects and fabrication from different studies, as well as helping people who need to support with their projects and their thesis.”

Hindi tulad ng ibang mga estudyante, na apat taon o limang taon lamang sa kolehiyo ay nakapagtapos na. Si Carvey, ay sampung taon na sa kanyang undergraduate degree, ito ay dahil na nga sa kakulangan ng pinansyal, upang matustusan ang pag-aaral niya kaya naman naging pahinto-hinto rin siya sa kanyang pag-aaral.




Sa nanging pagkapanalo naman ni Carvey sa “winning prize” na halagang P1.9 milyon, ay ibinahagi ng binata na ang plano niya sa malaking halaga na ito, na muling maka-develop ng teknolohiya na mas mapapadali at mapapabilis ang magiging paghagap ng solar energy.

Ang ibang matitira naman umano sa perang kanyang napanalunan, ay gagamitin niya sa kanyang pag-aaral, upang tuluyan na niyang tapos ang kanyang kurso sa kolehiyo.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento