Tanong ng marami ngayon, kung totoo nga ba ang kumakalat na balita, na ang magkasintahang Derek Ramsay at Andrea Torres ay naghiwalay na? Matapos ang isang taon na nakakakilig nilang pagmamahalan?
Ang espekulasyon na ito ay nagsimulang kumalat at maging laman ng mga usapin ng mapansin ng mga netizens at mga followers ni Andrea Torres ang naging pag-unfollow ng aktres sa kanyang Instagram account sa boyfriend nitong si Derek Ramsay, at ang naging pagtanggal nito ng lahat ng larawan na silang dalawa ay magkasama.
Ayon nga sa isang source, ay nagkaroon umano ng matinding pagtatalo ang magkasintahang Derek at Andrea, kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin umano inayos ang gusot sa pagitan ng dalawa.
Matatandaan, na halos nasa isang buwan pa lamang ang lumilipas ng makapanayam sa programang “Mar’s Pa More “ na ang host ay sina Camille Prats at Iya Villania, ang magkasintahang Derek at Andrea. Kung saan ay inamin ng dalawa, na handa na umano sila na i-level up ang kanilang relasyon.
Sina Derek Ramsay at Andrea Torres, ay nagsimulang magkalapit sa isa’t isa ng silang dalawa ay magsama sa proyektong “The Better Woman” ng GMA-7, kung saan ay ang naging paglalapit nilang dalawa ang naging dahilan umano ng paghihiwalay ng aktor sa dati nitong karelasyon na si Joanne Villablanca, kahit pa nga rin halos kasal na lang ang kulang sa kanilang dalawa.
Buwan ng Setyembre taong 2019, ng unang aminin sa publiko nina Derek at Andrea, na silang dalawa ay nagkakamabutihan na.
Makikita naman sa naging relasyon nina Derek at Andrea, ang masayang pagsasama nila, kaya nga naman silang dalawa ay gumawa pa ng sarili nilang YouTube channel na AnDrek vlogs, na ngayon ay mayroon na ngang 284,000 na mga subscribers.
Makikita sa naturang vlog ng magkasintahan, na ang huli nilang post dito ay noon pang buwan ng Setyembre 2020, na umabot pa nga ang mga viewers sa 138,000, kung saan ay nag-unboxing sila ng solar light sa kanilang video vlog na ito.
Tila naman bago nga lang ang naturang gusot tungkol sa relasyon nila Derek at Andrea, dahil matatandaan na noon lamang ika-5 ng Nobyembre sa naging pagbisita ni Dra.Vicki Belo sa bagong tahanan na ipinagawa ni Derek, ay naroon pa nga si Andrea Torres at kasama ng binatang aktor.
Samantala, wala pa rin ang malinaw na tugon, kung ano na nga ba ang estado ng relasyon nina Derek at Andrea ngayon. Ngunit, kung totoo man na may gusot ang kanilang relasyon, ay umaasa naman ang kanilang mga tagahanga, na maayos ito ng magkasintahan.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento