Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Nalikom 200, 000 Ni Alden Richard Sa Paglalaro Ng Mobile Legends Livestreaming Ipamamahagi Sa Mga Nasalanta Ng Bagyo

Iba’t ibang mga pamamaraan ang ginagawa ng mga artista ngayon sa showbiz upang makalikom ng dagdag donasyon para sa mga kababayan natin na labis na nasalanta ng bagyo, kung saan marami sa kanila nawalan ng tirahan pati na rin ng kabuhayan.




Ilan nga sa mga personalidad sa showbiz na nauna ng kumalat sa social media ang mga larawan ng ginawang pagtulong ay ang TV host na si Willie Revillame,

Image Credit via Google

na ginawang ibenta ang isa niyang sasakyan pandagdag donasyon , sina Ivana Alawi at Daniel Padilla na personal na namahagi ng mga relief packs, at Heart Evangelista na nag-auction ng kanyang mga kagamitan para ibigay ang malilikom sa mga nasalanta ng bagyo.

Image Credit via Google

Mayroon ding mga simpleng mamamayan, na sa kabila ng sapat lang ang ikinabubuhay nila, ay nagawa pa rin nilang mag-abot ng tulong sa mga binagyo nating mga kababayan.

Image Credit via Google

Ngayon, maging ang Kapuso Star na si Alden Richard ay gumawa na rin ng sarili niyang paraan upang makatulong sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyo, ito nga ay sa pamamagitan ng kanyang pag-livestream sa larong ML.

Image Credit via Google

Hinimok ng aktor ang kanyang mga tagahanga na manood at kung maaari pa ay ibahagi ng mga ito ang kanyang streaming, at hinikayat niya pa ang mga ito na mag-donate ng kahit na magkano, para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Image Credit via Google

Kapalit nito, ay may pa-giveaway ang kapuso star na Iphone 11 max.
Samantala, isinagawa ni Alden ang kanyang “streaming for a cause”, noong gabi ng ika-15 ng Nobyembre, araw ng Linggo.

Image Credit via Google

Sa naging update ni Alden sa Twitter, ay sinabi ng Kapuso star na ang nalikom niyang donasyon mula sa “livestreaming” niya sa ML, ay umabot na sa P222,559 halaga ng salapi. Kung saan ay ibinagi rin ng aktor na ang kabuuang halaga na ito, ay mapupunta sa mga residente ng mga lugar na labis na nasalanta ng bagyo.




Nagpasalamat din si Alden, sa lahat ng mga tao, lalo na sa kanyang mga tagahanga, na sumoporta sa ginawa niyang “livestream for a cause”, lalo na sa mga nagbigay ng donasyon.

“Maraming salamat po sa lahat ng nagdonate. [Praying hands] Patuloy po tayong tumulong sabot ng ating makakaya sa mga nasalanta ng bagyo.” – @aldenrichard02


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento