Matapos ang ilang buwan na buwis-buhay na mga trainings, ay isa ng Marine Reservist ngayon ng Philippine Naval Reserve Command ang beauty queen-actress na si Wynwyn Marquez.
Maliban pa rito pinatunayan rin ng dalaga na siya’y hindi lang basta isang beauty queen, host at actress kundi isa ring dalaga na may angking husay pagdating sa klase, matapos niyang manguna sa mga nag training ng reservist.
Matatandaan na noong buwan ng Agosto 2020 ng magsimula ang training ng dalaga sa Philippine Navy, kung saan ay sumailalim siya sa Basic Citizens Military Training (BCMT).
Samantala, nito lamang nakaraan ay buong pagmamalaki ng ibinahagi ng beauty queen, host-actress, ang kanyang naging pagtatapos sa BCMT, matapos ang ilang buwan ng matinding hirap at sakripisyo sa ginawang training.
Makikita nga sa Instagram ni Wynwyn ang kanyang naging pagbabahagi ng mga larawan niya na kuha sa loob ng isang military camp, kung saan ay kalakip nito ang caption niya na;
“Last February, I enlisted to become a Marine Reservist under the Philippine Naval Reserve Command & when crisis hit us we were asked if we still wanted to continue with our training and I said YES.
“During the difficult times, attending this Reservist Training (whicj I religiously attended all classroom lectures, drills and even joined the 3-day Field Training Exercise in Cavite as the culmination of our training course) has become one of my motivations to keep on moving forward and to continue to serve others despite the limitations and uncertainties.”
“I am so honored to be one of the small number of women to join this training as it matches with my passion to encourage and empower our Filipino women.”
Dagdag pa nga ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez, ay isang hindi makakalimutang karanasan ang mga naranasan niya sa training, lalo na’t hindi siya itinuring na espesyal dito dahil sa kanyang pagiging isang beauty queen o actress.
“The training was no easy feat as I was expected to experience hardship like everyone with no special treatment or privileges. I was seen as not aa ‘Wynwyn the actress and beauty queen’ but as a cadet Marquez – a fellow Filipina and sister to may batchmates.”
Nagpahayag rin ng kanyang pasasalamat si Wynwyn Marquez, sa lahat ng sumuporta sa kanya sa bagong karera na nadagdag sa kanyang buhay ngayon, lalo na ang kanyang pamilya, batchmates at iba pang tao na nagpakita ng suporta sa kanya.
Ibinahagi ring dalaga,na kahit sino, ano man ang kasarian mo, ay maaari mong pasukin ang pagiging isang reservist, basta ito ay nasa puso mong gampanan ang iyong napiling tungkulin.
Si Wynwyn Marquez, ay naging president ng kanilang batch, maliban pa rito ay siya rin ang nanguna sa kanilang klase at sa physical fitness ranking.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento