Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Viral Sa Social Media Ngayon Ang “Stay At Home Low-Budget Photo Shoot” Ng Isang Binata

Agaw-pansin ngayon sa social media, ang kuhang larawan ng isang binata, ito ay dahil sa ganda ng pagkuha nito sa mga larawan na kanyang ibinahagi niya sa kanyang social media account, na tila kinunan ng larawan ng isang propesyonal na photographer.




Pinatunayan ng binatang si Sijan Cimagala, na pwedeng pwede kang magkaroon ng isang magandang larawan, sa pamamagitan lamang ng“stay at home low-budget photo shoot.”
Wala mang DSLR at laptop na gamit na pagkuha at pag-edit ng larawan, ay marami pa rin ang napahanga ni Cijan sa mga kinuha niyang larawan.

Image Credit via Google

Proud at masayang ibinahagi ng ani Cijan, na ang mga magagandang larawan na kanyang kinuha, ay kuha lamang gamit ang kanyang cellphone, at ito ay mas lumabas pa na kaaya-aya sa mga mata, dahil sa ginawa niyang pag-edit gamit naman ang isang mobile editing app.

Image Credit via Google

Sa mga larawan ng na ibinahagi ni Sijan, na kanya umanong kinuhaan, ay makikita na ito ay kinunan lamang sa loob ng kanilang tahanan. Ang photoshoot na ginawa nila ng kanyang mga kapamilya, ay ginagamitan lamang ng puting tela,

Image Credit via Google

bilang background, mga halaman at bulaklak na magsisilbing hawak at palamuti ng kanyang subject na kukunan ng litrato, isang ring light, at ang foil paper na magsisilbi umanong reflector ng ilaw.

Image Credit via Google

Kalakip nga ng mga larawan na ibinahagi ni Cijan, ay ang kanyang caption na;
“Hello guys, another photoshoot namin. Ang ginamit namin ay mga dahon na kinuha lang naming sa aming bakuran. Cellphone pa rin ang gamit ko guys, wala kasi akong DSLR na camera. At sana magustuhan niyo ito guys”, saad nga ng binata.

Image Credit via Google

Ayon pa nga kay Cijan, ang mga modelo niya umano sa mga kinuha niyang larawan at ginawa niyang photoshoot, ay ang kanyang pinsan at kapatid.

Image Credit via Google

Naging maganda umano ang kinalabasan ng kanilang “stay at home low-budget photo shoot” dahil sa ginamit nila ang kanilang malikhaing mga imahinasyon.

Image Credit via Google

Ibinahagi naman ni Sijan, ang kanyang pangarap na maging isang mahusay at professional na photographer, ito ay upang matulungan ang kanyang pamilya, at maiahon ang kanilang buhay sa kahirapan.

Image Credit via Google

“Gusto ko pong maging photographer. Isa sa mga dahilan ay gusto ko pong maiahon sa kahirapan ang aking pamilya at gusto ko pong mag bahagi na kailangan lang maging madiskarte para magkaroon ng magandang kuha ng photos” ani ni Cijan.

Image Credit via Google

Madami ngang mga netizens, ang bumilib at namangha sa malikhaing “photoshoot” na ito ni Sijan. “O pak! Ang mga Pinoy ‘di lang creative, resourceful pa. Hindi hadlang ang katayuan sa buhay para maipakita ang talent. Kudos! Ipagpatuloy mo lang ‘yan.




Malay mo may makakita sa iyo at bigyan ka ng camera, bigyan ka ng work”, ang naging komento nga ng isang netizens.

Tunay nga naman na walang imposible sa taong likas na may talento at pagmamahal sa kanyang ginagawa, kung saan kahit limitado man ang mga kagamitan o materyales na pangangailangan, ay nakakagawa pa rin sila ng diskarte at paraan upang maging malikhain sa isang bagay na kanilang gagawin.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento