Isang nurse ang nakatanggap ng parangal mula sa PNA, bilang “Bayaning Nars” ng taong ito, matapos nitong ipakita na ang kanyang serbisyo bilang isang nurse ay walang pinipiling oras, lugar o panahon, lalo na pagdating sa pagtulong sa kapwa.
Hinahangaan ng marami ngayon ang isang 30-taong gulang na company nurse, na rumesponde sa isang babaeng inabutan na ng panganganak sa kalsada.
Kahit pa nga ba mahuhuli na sa kanyang pinapasukang trabaho ang 30-taong gulang na nurse na kinilalang si Mary Loraine Pingol, ay hindi ito nagdalawang isip na nirespondehan ang isang “homeless woman” na naabutan sa gilid ng kalsada ng panganganak nito.
Dahil sa ipinakitang kabutihan, pagmamalasakit sa kapwa, at pagiging matapat sa tungkulin, ay nabigyang pansin si Mary Loraine Pingol ng Philippine Nurse Association, at pinarangalan siya bilang “2020 Bayaning Nars”
Marami namang mga netizens at maging mga sikat na personalidad, ang humahanga sa kabutihang ipinakita ni Pingol sa babaeng nanganak na kalsada, at ang ilan nga ay nagsabi pa na tinadhana talaga na maging malapit ito sa sitwasyon upang may tumulong at sumaklolo sa babaeng napaanak sa kalsada.
Ayon naman sa mga naging ulat tungkol kay Mary Lorraine Pingol, ay isa umano itong nurse sa hospital noon, ngunit kinakailangan nitong iwanan ang trabaho bilang “hospital nurse” matapos niyang ma-diagnosed ng pagkakaroon ng leukemia.
Ang naturang award naman na natanggap Mary Loraine, at mga pinagdaanan niya ang “experience” sa pagiging isang nurse sa mga nakaraang buwan at taon, ay kumukumpirma lamang na kinakailangan niyang manatili sa propesyon niya bilang isang nurse.
Ayon nga kay Mary Loraine, tila ang Diyos na ang nagsasabi at nagpapakita ng senyales sa kanya, na siya ay nakalaan talaga para maging isang nurse, na nangangalaga at nagbibigay serbisyo sa mga taong nangangailangan,lalo na ang mga may karamdaman.
“It’s like God is telling me, ‘Iha para diyan ka sa nursing. It makes me want to continue and strive as a nurse”, ang naging saad nga ni Mary Loraine.
“After being out of nursing practice for almost a decade, I never expected that I would gain recognition as a nurse. I am sure that there are more skillful nurses out there who have helped save live”, muling saad nga ng dalaga sa kanyang social media.
Ang “Bayaning Nars”, ay isa sa mga “yearly recognition” na ibinibigay ng PNA upang i-honor ang mga “unsung” na mga bayaning nurse, at ngayong taon nga ay si Mary Loraine Pingol, ang nabigyan nito sa naging pagdiriwang ng ika-98th anniversary ng Philippine Nurses Association.
Samantala, dahil sa itinuturing na isang kabayanihan ang naging pagtulong at pagpapa-anak ni Mary Loraine sa babaeng inabutan ng panganganak sa kalsada, ay nakatanggap ito ng cash reward mula kay Idol Raffy Tulfo, ito ay dahil nga sa kabutihang ginawa umano ng dalaga.
Maliban pa rito, ay nakatanggap rin si Mary Loraine Pingol, ng scholarship sa master’s degree in nursing.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento