Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Mga Nakakaaliw Na Larawan Ni Miss Universe Philippines 1952 Teresita Sanchez

Ang Miss Universe Pageant ay ang itinuturing na pinakamataas na patimpalak ng kagandahan (beauty pageant), kung saan ay naglalaban-laban ang mga kababaihang pambato ng iba’t ibang mga bansa, pagdating sa kagandahan, kaseksihan at katalinuhan.




Isa rin ang patimpalak na ito, sa talaga namang inaabangan taon-taon ng lahat ng mga bansa, dahil sa kung sino man ang nakasungkit ng titulo at korona sa pagiging isang Miss Universe ng isang dalagang kalahok, ay siya namang karangalan at tagumpay rin sa bansang kanyang nirerepresenta.

Image Credit via Google

Ngayong taong 2020 nga, ay muli na naman nating aabangan ang mga magiging kaganapan sa Miss Universe 2020, at kung sino-sino mula ang mga magagandang dilag, mula sa iba’t ibang mga bansa ang magiging kalahok.

Image Credit via Google

Samantala, alam niyo ba na ang “Miss Universe Pageant”, maliban sa nababatid nating lahat na ito’y patimpalak sa kagandahan ng lahat ng mga magagandang dilag mula sa iba’t ibang mga bansa, ay tinaguriang pala itong “the most beautiful day in the Universe”.

Image Credit via Google

Ginanap naman ang kauna-unahang patimpalak ng Miss Universe noong taong 1952, sa Long Beach, California.

Image Credit via Google

Kamakailan nga lamang, isang Facebook page na may pangalang Pageanthology 101, ang nagbahagi ng mga larawan na kuha sa naging kauna-unahang Miss Universe, kung saan ito ay nasa 68-taon na ang nakalilipas.

Image Credit via Google

Dahil nga sa muling lumabas ang mga larawan ng kaganapan noong kauna-unahang patimpalak ng Miss Universe, ay nakita rin natin, ang kauna-unahang dalagang Pilipina, na naging representante ng ating bansa sa naturang pageant.

Image Credit via Google

Si Teresita Torralba Sanchez, ang kauna-unahang Pinay na sumabak at naging representante ng Pilipinas sa Miss Universe.

Sa mga larawan na lumabas online nakuha sa Miss Universe pageant 1952, ay makikita na ito ay mga “black and white photos” pa, at ang mga dalagang kalahok noon ay nakasuot ng mga “skimpy clothes”, habang ibinabandera sa harap ng kamera at mga manonood ang kanilang magagandang mukha at nagseseksihang mga pangangatawan.

Hindi naman nakaligtas sa mga mapanuring mata ng publiko, ang mga nakaka-aliw na eksena sa mga larawan, lalo na ang mga nakaka-aliw na kuha, kung saan ay bidang bida ang pangbato ng Pilipinas.

Tila napakarami ngang “bloopers’ ni Teresita Sanchez sa mga kuhang larawan noong sumabak siya sa kauna-unahang Miss Universe, at isa na nga rito ay ang kanyang larawan kung saan ay nakikita ang kanyang masamang pagkakatitig sa mga ibang mga kandidata, kung kaya naman ang karamihang naging reaksyon dito ng mga netizens ay “Haha”.

Mayroon pa ngang kuhang larawan, kung saan ay mapapansin naman na tila inaayos ni Teresita Sanchez ang kanyang bra, habang katabi niya ang pambato ng bansang Germany, na ayos na ayos ang pagkakatayo at napakaganda sa kanyang ngiti habang nakaharap sa kamera.




Noon nga ay halos 30-dalaga lamang mula sa iba’t-ibang panig ng mundo ang naglaban-laban sa kauna-unahang Miss Universe pageant na ginanap noong 1952.

Ang kauna-unahang dilag naman na itinanghal na Miss Universe 1952, ay ang 17-taong gulang na si Armi Kuusela na pambato ng bansang Finland. Si Teresita Sanchez, na pambato ng Pinas sa nasabing pageant, ay hindi naman nagawang makapasok sa Top 10 nito.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento