Muling binigyang buhay ng event stylist na si Gideon Hermosa ang “Christmas Tree” sa loob ng tahanan ng aktres na si Kathryn Bernardo.
Sa nalalapit na araw ng Pasko, ay marami na naman sa atin ang naghahanda na bigyang kulay ang ating mga tahanan, ng mga palamuti na nangangahulugan na nalalapit na nga nag kapaskuhan. At isa na nga sa mga ito ay ang popular na aktres na si Kathryn Bernardo.
Damang dama na nga ang nalalapit na kapaskuhan sa tahanan ng aktres, kung saan ay muling lumakas at dinisenyuhan ng mga palamuti ang kanilang Christmas tree, at ang kanyang mga polar bears stuffed toys.
Samantala, tulad ng nakaraang taon, ay ang event stylish na si Gideon Hermosa muli, ang nag-ayos at nagbigay kulay sa “Christmas Tree” sa loob ng tahanan nina Kathryn.
Ngayong taon nga, ay pay panibagong tema at kulay ang kapaskuhan sa loob ng tahanan ng aktres, kung saan ito ay may temang “Red Christmas” at ito’y makikita, base sa disenyo at naging kulay ng kanilang “Christmas tree”.
Sa vlog ni Kathyryn noong ika-16 ng Nobyembre 2020, ay ipinakita nito ang naging disenyo ng kanilang Christmas tree para ngayong taon. Ibinahagi rin ng aktres, kung bakit pula ang napili niyang kulay na tema, ngayong darating na kapaskuhan.
“Sabi ko kay Gids, for this year, I wanted something different because apparently never kami nag-red”, ang naging saad nga ng ABS-CBN actress.
“Parang parati kaming blue kasi gusto ko parati mukhang malamig or kung hindi man kami nag-Christmas tree nasa ibang bansa kami”, dagdag pa ni Kathryn.
Ayon pa nga sa aktres, “red-themed Christmas tree” ang nirequest niya kay Gideon, at ito na ang naging bahala sa kung anong “vision” nito, upang lumabas na maganda at kaaya-aya sa mata ang kanilang Christmas tree.
Makikita nga na ang naging resulta ng malikhaing, pagdisenyo ni Gideon Hermosa para sa Christmas Tree ngayong taon nina Kathryn Bernardo, ay talaga namang napakaganda at nakakamangha, lalo na s akulay nito, na kakulay ni Santa Claus. Muli ring nakita na nakapalibot sa Christmas tree ang mga polar bears ng aktres.
Pagbabahagi naman ng event stylish na si Gideon Hermosa, hindi kinakailangan na taon-taon ay bibili ng mga dekorasyon na idedesenyo sa Christmas tree, dahil maaari umanong gamitin ang mga dati ng kagamitan, at i-recycle lamang ang mga ito upang mas mapaganda, at magkaroon muli ng buhay.
Katulad nga umano ng ginawa niya sa Christmas tree nina Kathryn, na ginamitan niya ng mga hand-crafted materials para mas magbigay dito ng marami at nakakamanghang tekstura at elemento.
Ibinahagi din ni Gideon, na mas mainam na mag-invest sa Christmas tree na maganda ang kalidad, dahil panigurado na matagal-tagal ang ang gamitan nito.
“Important to invest sa Christmas tree mismo, kasi iyong mga ibang ginawan kong bahay, iyong Christmas tree nila parang 10-years ng nasa kanila.
“So every year, china-change lang naming iyong color or dinadagdagan ng ibang layer. Pero iyong base niya, iyon pa din.”
Maliban pa nga rito, ay ipinayo rin ng event stylish na si Gideon Hermosa, na mas mainam na ang gamitin ay ang “classic Cristmas décor”, dahil nababagay ito sa kahit ano mang tema, sa loob nvv inyong tahanan. Ang Christmas tree, ay isa sa mga sumisimbolo na nalalapit na ang araw ng kapaskuhan.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento