Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Lalaki, Instant Milyonaryo Matapos May Bumagsak Na 'Tipak Ng Bato' Sa Bubong Ng Bahay

Marami nga naman talagang mga bagay ang maaaring bumagsak sa bubong ng kahit na anong bahay sa araw-araw, ngunit tiyak na ang meteorite ay hindi isa sa mga ito. Siguro, ito ay posible lamang mangyari sa mga pelikula o di kaya ay sa mga palabas sa telebisyon ngunit walang kahit na sino sa atin ang mag-aakala na mangyayari ito sa totoong buhay.

Hanggang sa nangyari ito sa lalaki mula sa Indonesia na nagtatrabaho bilang coffin maker o taga-gawa ng kaba0ng.

Maayos at tahimik na nagtatrabaho ang 33 taong gulang na lalaki na nakilala sa pangalan na Josua Hutagalung malapit sa kaniyang bahay nang isang malakas na tunog ang gumulat sa kaniya. Iyon pala ay mayroon ng meteorite ang bumagsak sa veranda sa gilid ng kaniyang sala sa Kolang, North Sumatra.

Ang meteorite na may bigat na 2.1 kilograms ay nag-iwan naman ng malaking butas sa bubong ng bahay ni Josua at dahil sa lakas na din ng pagbagsak nito, ang bato ay nabaon sa lalim na 15cm sa lupa malapit sa bahay.

Nang mahukay ang bato, sinabi ni Josua na medyo mainit pa ito at bahagyang nabali nang subukan niyang hawakan ito.

Lingid sa kaalaman ni Josua na siya ay naka-diskubre na pala gem o mamahaling bato sa likod ng kaniyang bahay.

Nakabase ang halaga ng meteorite sa gramo nito. Ang pinakamababa ay nagkakahalaga ng $0.50 hanggang $5.00 kada gramo. Samantala, ang extra-terrestrial metals naman ay pinagbebenta sa halaga ng $1,000 kada gramo.

Ayon sa Daily Mail, ang meteor na bumagsak sa bahay ni Josua ay tinatayang nasa 4.5 bilyon taong gulang na at kinaklasipika bilang CM1/2 carbonaceous Chondrite na nagkakahalaga ng nasa $875 hanggang $1.85-M kada gramo nito.


Hindi inakala ni Josua na siya ay magiging instant millionaire dahil lamang sa malaking bato na kaniyang nadiskubre sa likod ng kaniyang bahay!

Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang bagay na tinuturing niyang sumira sa kaniyang bahay ay ang parehas lamang na bagay na maaaring makapagpabago ng kaniyang buhay?

Talaga nga namang nakakamangha na ang isang sandali ay maaari ng mabago ang buhay ng isang tao. Ito ay patunay lamang na wala talagang imposible sa buhay.

Gayunpaman, kahit pa man may ilan na nakakuha ng swerte sa isang kisapmata lamang, may ilan naman na hindi. Ngunit, sa sipag at dedikasyon lamang sigurado na mayroong magandang kinabukasan ang naghihintay para sayo!


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento