Isa sa mga kilalang komedyante at aktres sa industriya ng showbiz si Giselle Sanchez. Taong 90’s ng magsimula siya sa showbiz bilang isang aktres, kung saan ilan sa kanyang mga kinabibilangang pelikula ay ang “Filemon Mamon”, “ZsaZSa Zaturnnah Ze Moveeh” at “Manay po”.
Taong 2000, ng ikinasal ang aktres kay Emil Buencamino, at ang kanilang pagsasama ay mabibiyayaan ng dalawang anak, at ito ay sina Lia at Xavier Zappa.
Ngayong taon nga, ay nasa 20-taong kasal na ang mag-asawa, kaya naman ay masaya nilang ipinagdiriwang ang kanilang ika-20th wedding anniversary, at ito ay sa pamamagitan ng muling pagsariwa sa naging matamis na simula ng kanilang pagsasama.
Kamakailan nga lamang, ay nagbahagi ang comedian-actress sa kanyang Instagram account ng mga larawan na kuha sa naging kaganapan sa espesyal na araw sa buhay nila ng kanyang asawa.
Noon hanggang Ika-31 ng Oktubre 2020, ay muli ngang ikinasal si Giselle at ang asawa nitong si Emil, kung saan ay muli silang nangako ng pagmamahal para sa isa’t isa, sa isang intimate wedding ceremony na ginanap sa Daughters of St. Anne Convent sa Cubao, Quezon City. Ito ay dinaluhan ng iilang kaibigan at kapamilya ng mag-asawa.
Sa sobrang kaligayahan na nadarama ng aktres, ay ibinahagi niya sa pamamagitan ng Instagram post kung gaano siya naging masaya, sa 20-taon na pagsasama nila ng kanyang asawa.
“Allow me to share my joy as I renewed my wedding vows with my husband after twenty years of blissful marriage.”
Maliban pa nga rito, ay ibinahagi rin ng aktres, ang ilan pang mga larawan na kuha sa mismong lugar kung saan ginanapa ang kanilang intimate wedding at renewal of vows.
Makikita nga sa mga larawan, ang napakagandang lugar, na talaga namang inayos at pinag-isipan ang mga piniling disenyo, upang mas maging maganda ito at romantiko para sa dalawang taong muling ikinasal at panunumpa sa isa’t isa.
Samantala, nagbahagi rin ng pasasalamat si Giselle, sa lahat ng tao na tumulong at nag-asikaso para maging maganda ang intimate ‘garden wedding’ nila. Nagpasalamat rin ang aktres sa Diyos, dahil sa magandang panahon na ipinagkakaloob nito sa mismong araw ng kanilang muling pag-iisang dibdib ng kanyang asawa.
Masaya rin ang aktres, at nagpasalamat sa kanyang asawa dahil sa naging pagpayag nito na gawin ang seremonya ng kanilang kasal sa isang kumbento, kung saan ay makakatulong pa sila sa pamamagitan ng pagbibigay ng donasyon,
na imbis na magkaroon ng isang engrandeng kasalan, ay mas pinili nila ang simple, pribado at makakatulong pa sila sa kumbento. “Dear Emil, thank you for agreeing on a quiet intimate ceremony inside a convent where I serve. Instead of spending lavishly on an anniversary, we opted to donate and help the project of the #daughtersofsaintannconvent.”
Matatandaan naman na noon sa programang “Magandang Buhay”, ng minsang maging isa si Giselle sa bisita ng programa, ay ibinahagi ng comedian-aktres ang naging pagkakakilala ni ni Emil, at kung paano sila nauwi sa pag-iibigan.
View this post on Instagram
Sina Giselle Sanchez at Emil Buencamino, ay unang nagkakilala ng manghiram ang aktres, sa kapatid ni Emil ng kamera, at doon na nga nagsimula ang kanilang magandang kwento ng pag-ibig.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento