Isa sa mga kalahok sa ginanap na Miss Universe Japan 2020, ay mayroong lahing Pinay, at ito ay ang itinanghal na 2nd runner-up sa nasabing beauty pageant.
Muli na naman ang lumikha ng ingay sa mga beauty pageant ang mga Pinay beauty, kung saan sa iba’t ibang sulok ng mundo, ay talaga namang marami na ang bumibili sa ganda ng isang Pinay may ibang lahi man ito o wala.
Agaw atensyon ngayon sa social media ang pinay na naging kalahok sa Miss Universe Japan 2020, na kinilalang si Yuki Sonoda, ito ay dahil sa ang nasabing dalaga ay may dugong Pinoy pala.
Si Yuki Sonoda, ay isang Filipina-Japanese na talaga namang ang ganda ay kahanga-hanga, dahil sa pinaghalong hapon at pinoy ang kanyang taglay na karisma at ganda.
Kaya naman sa kanyang naging pagsabak sa Miss Universe Japan 2020, kung saan ay itinanghal siya bilang 2nd runner-up, ay hindi lamang ang kanilang lugar sa Japan ang kanyang binigyang karangalan, kundi maging ang kanyang mga kalahing Pinoy na naroroon at maging kababayan dito sa Pilipinas.
Hindi nga lamang ang angking kagandahan ni Yuki ang talagang nagwagi sa kanya para maging 2nd runner-up sa nasabing beauty pageant, dahil maliban sa kanyang angking ganda, ay talaga namang nakakabilib din ang taglay niyang husay, lalo na sa pagsagot ng mga naging katanungan sa kanya.
Kabibiliban din kay Yuki ang kanyang pagiging mahusay pagdating sa iba’t ibang lenggwahe, dahil maliban sa wikang English at Nihonggo na ginagamit nilang wika sa bansang Japan, ay mahusay rin si Yuki sa pagsasalita ng wikang Pilipino.
Ayon nga sa ilang mga ulat, ang ina ni Yuki ay isang Filipina, at ang kanyang ama naman ay isang Japanese, na nagmula sa Kagoshima, Japan. Para naman kay Yuki ang kanyang ina ang kanyang “favorite woman in the whole wide world”.
Samantala, ang naging paglahok ni Yuki sa Miss Universe Japan 2020, ay hindi ang unang pagkakataon na sumabak sa beauty pageant ang dalaga. Dahil taong 2015, ay nagsimula na umano itong sumali sa mga beauty pageant, kung saan ang una niyang nilahukan ay ang Miss World Japan 2015.
Taong 2016 naman ay muling sumali si Yuki sa beauty pageant, at ito nga ay ang Miss Supranational Japan 2016, kung saan ay nasungkit niya ang karangalang 1st runner up, dahil sa kanyang naging pagpapamalas ng kanyang angking ganda, husay at galing.
Nagawa ring sumali ni Yuki sa Miss Asia Pacific Japan 2017, kung saan ay matagumpay niyang nasungkit ang titulo at naiuwi ang korona.
Dahil sa naging pagwawagi niyang ito, ay naging representante siya ng bansang Japan sa Miss Asia Pacific International 2017, ang kanyang kauna-unahang international stint, kung saan ay nabibilang naman siya hanggang sa top 10 nito.
Inamin naman ng dalaga, ang naging plano niya noon na sumali sa Bb. Pilipinas, ngunit ito umano ay hindi niya nagawa, dahil sa ang kanyang citizenship ay malaking isyu, ito ay dahil sa ipinagbabawal ng BPCI na maging kalahok sa Bb. Pilipinas ang hindi Filipino Citizen.
Base nga sa “rules” ng BPCI tanging Philippine Passport holder at Filipino citizenship lamang ang maaaring sumali sa Bb. Pilipinas pageant.
Sa naging pagsabak naman ni Yuki sa Miss Universe Japan 2020, ay talaga namang tumatak sa mga manonood ang kanyang binitiwang napakagandang adbokasiya na ang layunin ay ang mapagtuunan ng pansin ang kalusugan ng bawat mamamayan.
“I’d like to use my flatform as Miss Universe to tell everyone in the world, how important is to be healthy and use my language skills to be the voice of people.”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento