Matatandaan na ang mag-asawang Jimmy Alapag at LJ Moreno ay nagdesisyon na mag-migrate patungong US kasama ang kanilang mga anak, upang doon na manirahan. Sila ay umalis sa bansa noon pang ika-15 ng Setyembre ng kasalukuyang taon.
Sa naging pagdating nga ng pamilya sa Amerika, ay ibinahagi ng mag-asawa ang malaking challenge na pinagdaanan nila.
Halos dalawang buwan na ang nakalilipas nang umalis ang mag-asawa kasama ang kanilang mga anak. Kaya naman ang kanilang mga kagamitan na galing Pinas, ay dumating na sa Amerika.
Nobyembre 7, araw ng sabado, ay ibinahagi ng mag-asawang LJ at Jimmy ang naging pagdating ng kanilang mga kagamitan na kanila ring lubusang pinaghandaan.
Inilahad ni LJ na halos dalawang buwan na silang natutulog sa mattress kaya naman bakas na bakas ang excitement ng aktres sa pagdating ng mga ito.
Nahirapan man sa pag-aayos dahil sa dami ng kanilang mga gamit at kasangkapan sa loob ng bahay ay sinigurado naman nila na pinag-kasya at naka-ayos ito sa tamang mga puwesto. Laking tuwa naman ng mag-asawa ng sa wakas ay matapos na sila sa pag-aayos, at makita ang magandang kinalabasan nito.
Samantala, matapos ang naging pag-aayos ng loob ng kanilang bahay sa Amerika, kasama ang mga kamag-anak at pinsan ni Jimmy sa US ay masaya nilang ipinagdiriwang ang araw ng Halloween sa pamamagitan ng outdoor Halloween celebration .
Mapapansin naman sa ibinahaging larawan ni LJ sa naging selebrasyon nila ng Halloween na enjoy sa naturang selebrasyon ang kanyang dalawang anak na sina Ian at Keona, samantala si Calen naman ay makikita sa isang tabi na abala at enjoy, habang naglalaro ng kanyang gadget.
Ibinahagi naman ni LJ ang kanyang pasasalamat sa Panginoon para sa tulong at gabay na ibinigay nito sa kanilang mag-anak. Dahil sa kabila ng malaking adjustment na kanilang hinaharap ay hindi siya pinabayaan nito upang harapin ang panibagong yugto sa kanilang buhay sa ibang bansa.
“Just when I thought we had our lives planned out, God decided to make a drastic change. This season has had a lot of ups and downs but God has definitely changed my heart and given me peace with our decision.”
“The Philippines will always be home and we will always be open to the idea of moving back but for now, God has made it clear that it is time for a new season. This transition may not be easy but as long as we have God I know we will jet through it!”, ang saad nga ni LJ.
Base naman sa naging post ni LJ, ay ang Pilipinas ay itinuturing pa rin nilang tahanan, at hindi rin naman nawawala sa kanila ang posibilidad na muling bumalik sa bansa, at dito muli manirahan.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento