Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Madiskarteng Nanay, Ibinahagi Kung Paano Gawing FabCon Ang Suka

Ang pagtuklas sa isang bagay ay siyang nagbibigay ng tulong pagdating sa pagtitipid. Tinatawag ito ng karamihan na DIY o Do It Yourself.

Kakaiba nga naman ang pagtuklas na ang suka pala ay pwedeng gawing pabango sa mga damit. Sino nga ba naman ang mag aakala na ang mga bagay na ito ay hindi lang sa pagkain ma gagamit kundi pati na rin sa mga damit.

Katulad na lamang ng naisip na diskarte ng isang ina na si Anna Floriza kung saan ay ibinahagi nito sa kanyang socmed account ang kanyang diskarte upang makatipid sa paglalaba.

Ilang beses ng sinubukan ni Ana ang pag gamit nito hanggang sa tumagal napatunayan niya na epektibo pala ang paglagay ng suka sa mga damit nila.

"Ilang beses ko na din sinubukan ito. Kung dati rati ay madalas akong magpabili ng fabcon, ngayon suka na. Yes, mga mommies at daddies. Very effective din pala sa mga damit." ayon kay Anna.

"Ginagamit ko ito sa huling banlaw na. Naglalagay ako ng 2-3 kutsara sa tubig bago banlawan ang mga damit. Malambot at mabango ang mga damit." pahayag ni Anna.

Pwede din pala itong ihalo mismo sa Fabcon.

"Kung may fabcon ka naman, pwede ka ding maghalo ng suka. Mas napapalabas niya ang bango ng damit gamit ang suka."

At hindi lang yan, ang suka ay naka katulong din di umano sa hindi pag panis ng kanin! 

"Nga pala, naglalagay din ako ng suka sa sinaing. Iwas panis. May gumagawa din ba nito? Try nyo din"


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento