Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Pops Fernandez Pinahanga Ang Mga Netizens Dahil Sa Kanyang Mga Larawan Kahit Na May Edad Itong 54 Taong Gulang

Ilan sa may mga edad na 50’s onwards ngayon, ay talaga namang “ageless” at “still young” ang mga datingan, katulad na nga lamang ng ilan sa mga kilala nating celebrity na sa kanilang umaangat na edad, ay hindi naman ito kapansin-pansin.




Isa na nga sa mga ito, ay ang singer-actress na si Pops Fernandez, dahil sa kabila ng kanyang edad na 54, ay talaga namang kaakit-akit pa ito.

Photo Credit: popsfernandezofficial/Instagram

Batid ng marami sa atin, na si Pops Fernandez, ay kilala bilang isa sa mga pinakamahuhusay na mang-aawit sa ating bansa. Maliban pa dito, ay isa rin siya sa mga aktres, na may pinakamagagandang mukha sa showbiz.

Photo Credit: popsfernandezofficial/Instagram

Sa ngayon, ay hind na nga ganoon ka-aktibo si Pops sa telebisyon, ngunit magkaganoon man, ay kahanga-hanga pa rin siya sa kanyang totoong buhay.

Photo Credit: popsfernandezofficial/Instagram

Maliban nga sa “ageless beauty” na taglay ng 54-taong gulang ng si Pops, isa pa sa talagang hinangaan ng marami sa kanya, ay ang kanyang pagiging isang mahusay na mang-aawit, kung saan ilan sa mga awitin niya na talaga namang naging popular ay ang “Kaya Pala”, “Don’t Say Goodbye”, “Points of View” at ang “Mahal na Rin Kita.”

Photo Credit: popsfernandezofficial/Instagram

Pagdating naman sa buhay pag-ibig ng singer, ay matatandaan na noon ay ikinasal si Pops, sa kapwa niya mahusay na mang-aawit na si Martin Nievera, at sila ay nagkaroon ng dalawang anak na lalaki na sina Ram at Robin. Nauwi naman sa hiwalayan ang pagsasama ng mag-asawang Pops at Martin, noong taong 2003.

Photo Credit: popsfernandezofficial/Instagram

Ngunit kahit pa nga ba, nakaranas ng manganak ng dalawang beses ang singer-actress na si Pops Fernandez, ay napanatili pa rin nito ang pagiging seksi ng kanyang katawan, at ang kanyang tiyan, ay hindi man lang kakikitaan ng bakas ng anumang stretch mark.

Nito nga lamang nakaraan, ay muling naging usap-usapan si Pops, online. Ito ay matapos niyang ibahagi sa kanyang Instagram account, ang kanyang mga larawan at video, kung saan ay makikita na siya’y nakasuot ng bikini.

Ang larawan at video ngang ito ni Pops, ay kinunan sa kanyang naging bakasyon sa Narvacan, Ilocos Sur kung saan ay tila kinailangan niya ang “a little dose of sun”, at ito nga ay noong ika-13 ng Disyembre 2020.

Makikita nga sa mga larawan na ini-upload ni Pops ang kanyang seksing seksi pa ring pangangatawan, sa kabila ng kanyang edad, dahil ito’y pinalitaw ng kanyang suot na sexy shorts at bikini top.




Sa magkaibang post naman, ay isang video niya ang ibinahagi ni Pops, kung saan ay makikita naman na siya ay enjoy sa pagtampisaw ng tubig sa swimming pool, at kahit nga sa kanyang “wet looks” dito, ay kapansin-pansin ang walang kupas niyang ganda, ito ay sa kabila ng paglipas na ng maramig taon ng kanyang kabataan.

Marami naman sa mga tagahanga ni Pops ang napamangha sa kanyang larawan at video, at maging ang kanyang kapwa rin artista ay hindi rin napigil na mapa-wow dahil sa kanyang pagiging “ageless young looks.”


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento