Huwag mawawalan ng pag-asa.- Ilan na lamang sa mga salitang nagpapalakas sa loob ng mga tao upang magpatuloy sa buhay sapagkat habang maybuhay, may pag-asa.
Maaaring isa sa mga taong ito si Lorna, isang fresh graduate na patuloy pa ring naghahanap ng trabaho, ilang buwan matapos makapagtapos. Labandera ang kaniyang ina na nagtaguyod sa kaniya sapagkat sa kasamaang palad, maagang namayapa ang kaniyang ama.
Sa panahon ngayon, pahirapan na ang paghahanap ng trabaho kung kaya talaga namang lumbay si Lorna, lalo na tuwing makikitang nahihirapan na sa paglalaba ang inang matanda na.
Isang araw, maagang umalis ng bahay si Lorna upang maghanap muli ng trabaho. Sa isa niyang panayam ay sinabihan siya ng tauhan na kung gustoniyang matanggap, kailangan ay presentable o kahit papaano’y pormal tignan ang kaniyang kasuotan.
Sa natitirang 100 piso ng babae, hindi niya alam kung saan pa siya makakhanap ng ganoong damit. Hanggang sa madaanan niya ang ukay-ukay. Doon ay nakita niya ang isang tsalekong tig-tatatlumpung piso lamang. Kaniya itong binili at agad ipinakita sa nanay pagkauwi ng bahay.
Lingid sa kaniyang kaalaman, nang kaniya itong sulsihan bago labhan, bumulaga sa kaniya ang isang singsing na mayroong dyamente sa bulsa ng tsalekong iyon. Nang kanilang suriing mabuti, may nakaukit na pangalan sa likod nito.
Pinayuhan siya ng kaniyang ina na ibalik ito sa may-ari. Ngunit sabi niya, hindi naman daw maaaring nasa Ukay-ukay na iyong ang may-ari nang naturang singsing.
Subalit ipinilit pa rin ng ina na hanapin ang tunay na may-ari. Napagdesisyunanna lamang nilang ibahagi ito sa socimed. Hindi nagtagal ay kumalat nga ito, marami na rin ang mga nagpadala ng mensahe kay Lorna. Ngunit ang tunay na may-ari lamang ang nakakaalam ng palatandaan na nasa singsing.
Mag-iisang buwan na ring walang trabaho si Lorna. Nawawalan na siya ng pag-asa. Naiisip niya na kung kanilang mabebebenta ang singsing, sapat na ang halaga nito upang makapagpatayo ng negosyo upang tumigil na sa paglalabada ang ina.
Ngunit, isang mensahe ang pumukaw sa atensyon ni Lorna. Mula ito sa isang babaeng nakatira sa Amerika. Ayon dito, matagal na raw nitong hinahanap ang singsing na pagmamay-ari.
Bilang patunay kung totoo nga ba ang sinasabi ng babae, tinanong ni Lorna ang palatandaan sa singsing.
“My dearest Anna,” saad ng banyagang babae.
Ayon pa rito, pamana raw ito nang kaniyang ina mula sa ama at matagal na niyang hinahanap matapos mawala. Ito na lang din daw ang tanging alaala nito sa mga magulang.
Lumipad patungong Pilipinas ang banyagang babae at nakipagkita kay Lorna at Aling Mely. Labis ang pasasalamat nito sa mag-ina.
Nang malaman ng banyagang babae ang kwento kung paano natagpuan ni Lorna ang singsing sa kaniyang lumang tsaleko ay agad niya itong inalok ng trabaho sa ibang bansa.
May-ari pala ng isang malaking kumpanya ang babaeng ito at nais niyang maging bahagi nito si Lorna.
Labis ang tuwa ng mag-ina dahil bukod sa tinulungan nitong magkatrabaho ang anak sa ibang bansa ay isasama pa ni Lorna ang kaniyang ina upang pareho na silang doon manirahan.
Simula noon ay naging maayos at umunlad na ang kanilang pamumuhay. Hindi akalain ni Lorna na dahil lamang sa tig-tatatlumpung pisong tsaleko ay lubusang magbabago ang takbo ng kanilang buhay.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento