Hindi napigilang inihayag ng beteranang aktres na si Jaclyn Jose ang kaniyang naramdaman sa engagement ng anak na si Andi Eigenmann sa kasintahan nitong si Philmar Alipayo.
Nito lamang nakaraan, ilang buwan bago ang panganganak ni Andi sa ikatlong nitong anak, inalok na ni Philmar ang huli upang magpakasal, na talaga naman daw hindi inaasahan ni Andi.
Sa ibinahaging Instagram post kung saan makikita ang dalawa, nasa dagat kung saan nangyari ang proposal, sinabi ni Andi, “I never thought about how my engagement would go because quite honestly, I didn’t think I’d have one.”
“It would’ve been okay regardless, but it did happen. And it happened the way I wanted it and so much more,”dagdag nito.
Ang nagpaganda daw nang pangyayaring iyon ay simple lang ngunit tunay. “Nothing grand. Unprompted, simple and oh so sincere. That’s us. That’s him. This is how I want the rest ofmy life to be. I am over the moon, so stoked to be spending it with you my mahal @chepoxz!”
Sa kabilang banda nama’y, maluha-luha sa tuwa si Jaclyn para sa anak habang sinusulat ang congratulatory message para sa magkasintahan. “Ang anak ko, ikakasal na. Happy nanay,” saad niya sa sariling Instagram post, kung saan makikita ang litrato ni Andi noong ito ay bata pa.
“Yes happy! Kinilig ako sa proposal sa vlog! Yung foggy ‘tapos voice lang ang naririnig? And the underwater shoot? It was beautiful!”, pagbabahagi niya sa panayam sa Cabinet Files, matapos tanungin ang kaniyang naramdaman sa sorpresang ginawa ni Philmar para kay Andi.
Talaga namang masasabi ring pinagpala ang beteranang aktres pagdating sa pamilya.
“Mababait yung dalawang anak ko, lalo na si Gwen. Si Andi super matured and she likes taking care of her family hands on.”
Nagbungang tunay daw ang kaniyang pagpapalaki sa mga anak na sina Andi at Gwen, sapagkat lumaki raw na mababait at dalisay ang mga ito. Natutuwa rin daw siya sa mga apo sapagkat napakabibibo. Hindi na rin daw siya makapaghintay sa kaniyang ikatlong apo sapagkat masaya raw ang malaking pamilya.
“Sila ang bunga ng pinaghirapan ko.”
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento