Natatandaan niyo pa ba ang kyut na bata na napapanood natin noong taong 2000’s sa commercial ng Camella Homes? Tunay ngang ang commercial na ito ay isa sa mga patalastas sa telebisyon na tumatak sa maraming mga manonood, lalo na dahil sa kantang maririnig sa nasabing commercial na “Bulilit Sanay sa Masikip.”
Ang bata nga ito na hindi basta malilimutan ng maraming mga manonood ay ang cute na cute na si Chacha Canete, na gumanap bilang “bulilit” sa nasabing commercial ng Camella Homes na umere sa telebisyon noong taonng 2009.
Nagpasya ang mga magulang ni Chacha na ipasok ang kanilang kyut na anak sa ‘Goin Bulilit’ ng ABS-CBN, ng makita nila dito ang pagiging isang bibo nitong bata at potensyal na maging isa sa mga hinahangaan na child star ng kanyang henerasyon.
Nakuha agad ni Chacha ang pansin ng publiko, dahil sa kanyang ipinakitang kabibohan at talento. Ang kanyang karera bilang isang child star at tumagal rin ng halos limang taon, matapos niyang piliin na mas bibigyang pokus ang pag-aaral, kaysa sa tagumpay at kasikatan na kanyang nakamit.
Pinatunayan ng batang si Chacha Canete, na hindi lang siya sa pagiging isang mahusay na child star dapat hangaan, dahil sa kanyang pag-aaral ay ipinakita niya ang kanyang angking husay at galing, kaya naman marami siyang natanggap na mga academic awards.
Maliban pa nga sa pag-arte, ay sumasali rin sa mga singing competition si Chacha, at nanalo nga siya mga ito.
Samantala, huminto man sa pagiging isang artista upang bigyang pokus ang kanyang pag-aaral, aynagagamit at nahahasa pa rin ni Chacha ang kanyang husay at galing sa pagiging isang aktres dahil sa naging pagsali niya sa theater arts sa kanilang paaralan.
Sa kanilang paaralan, ay minsan ng gumanap bilang isa sa mga Disney Princess na si “Mulan”, si Chacha, kung saan ay umani rin siya ng maraming mga papuri mula sa kanyang mga mmga tagahanga.
Ayon sa PEP.Ph ang tunay na pangalan ni Chacha Canete ay Trisha Luise. At makikita nga ngayon mula sa kyut na bata sa commercial ng Camella Homes, na ito ay isang dalaga na.
Dagdag pa ng PEP. Ph, para sa ulat patungkol sa buhay ngayon ni Chacha, ay nakakamit umano ito at ang kanyang grupo na isang parangal noong buwan ng Oktubre taong 2016 sa NCR’s 37TH Division Young Writers Contest. Itinanghal silang “second place” ng Department of Education sa Radio Broadcasting & Scriptwriting.
Kamakailan nga lamang ay muling pinag-usapan si Chacha Canete online, ito ay matapos niyang kantahin ang bersyon niya na “Flight Song” ni Rachel Platten sa Wish 107.5, kung saan dahil sa husay niya sa pagkanta ng nasabing awitin, ay talagang marami ang namangha.
Dahil sa napakaraming likes na reaksyon ang nakuha ng video ni Chacha na ito habang umaawit ng bersyon niya na “Flight Song”, ay naging top 8 ito sa YouTube PH trends.
Taong 2013, matatandaan na nagpresinta sa Pilipinas si Chacha sa kompetisyon na 17th World Championship of Performing Arts (WCOPA), kung saan ay sumali siya sa limang kategorya ng nasabing kumpetisyon at ito ay idinaos sa Hallywood, California.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento