Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Mapagmahal At Responsableng Ama Na Karga Habang Ito’y Nagtatrabaho

Isang ama, ang pumukaw sa pananaw ng marami nito lamang nakaraan. Ito ay matapos maging laman ng social media, ang isang ama na sa kabila ng pagtatrabaho, ay pilit pa ring ginagampanan na maalagaan ang kanyang anak.




Sa isa ngang lugar sa Puerto Pricesa, Palawan naninirahan ang isang ama, na kamakailan lamang ay nag-viral, matapos kumalat sa social media, ang kanyang larawan, na habang nagtatrabaho, ay inaalagaan niya ang kanyang anak.

Image Credit via Google

Kinilala nga ang ama na ito, na si Vinz Manalo Bobo, nagtatrabaho bilang kusinero sa Palawan Adventist Hospital.

Image Credit via Google

Marahil, ay nagtataka kayo, kung bakit, dinala ni Vinz sa kanyang trabaho ang kanyang anak, kahit napakabata pa lamang nito, at alam niya na maaari siyang mahirapan habang nagtatrabaho dahil nasa likuran niya ito, at karga-karga niya.

Image Credit via Google

Ayon nga kay Vinz, sinama niya ang isa niyang anak sa trabaho, dahil sa walang mag-aalaga dito. Dahil ang kanyang asawa, ay pumunta ng klinika upang dalhin ang isa pa nilang anak, na sanggol pa lamang. Kaya naman mas minabuti niya na isama na lamang sa trabaho, ang isa pa nilang anak, upang siya ang mag-alaga at magbantay.

Image Credit via Google

Makikita nga sa larawan ni Vinz, na nag-viral sa social media, na ang kanyang anak ay nakalagay sa isang baby carrier, at ito ay nakakabit sa likuran niya. Kaya naman kahit saan magpunta si Vinz, ay dala-dala niya ang kanyang anak.

Marami namang mga netizens ang naantig ang puso, ng makita nila ang larawan na ito ni Vinz kasama ang kanyang anak na nasa baby carrier. Dahil sa talagang nakita umano nila, ang sakripisyo at pagtiya-tiyaga na kayang gawin ng isang magulang para sa kanyang anak.




Sa kabila naman ng maraming papuri na natanggap ni Vinz mula sa mga netizens, ay hindi rin maiwasan na mayroong mga netizens, ang magpa-abot ng kanilang pag-aalala para sa kanyang anak. Ito ay dahil sa hindi nga naman talaga ligtas ang kusina, para sa isang bata.
Tunay nga naman na lahat ng pagsasakripisyo, ay kayang ibigay ng isang magulang para sa kanilang anak, gaano man ito ito kahirap.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento