Ang makapagtapos ng pag-aaral sa kolehiyo, ang pinapangarap ng marami sa atin. Ito ay kahit pa ng aba hindi lahat, ay nagagawa ngang maisakatuparan ang pangarap na ito, dala ng kahirapan ng buhay.
Marami sa ating mga kilalang artista, ang batid natin na hindi nakapagtapos ng kolehiyo, ito ay dahil nga sa naging pagsabak nila sa mundo ng showbiz, ay naisantabi nila ang kanilang pag-aaral, at inuna muna ang maghanap buhay, upang makatulong sa pamilya.
Sa kabila nito, ay mayroon pa rin namang mga artista, na nagawang pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral, at ang iba nga sa kanila ay matagumpay ng nakapagtapos, at mayroon ng maipagmamalaking diploma.
Isa na nga sa mga ito, ay ang Kapuso actor-TV host na si Juancho Travino, na sa wakas, ay natupad na ang matagal ng pinapangarap na magkaroon ng kanyang diploma at makapagtapos sa isang kurso sa kolehiyo.
Tunay ngang hindi naging madali ang pinagdaanan ng aktor, ngunit sa kabila nito, ay naging sulit na sulit naman ang kanyang naging pagsasakripisyo at pagod na ipinuhunan, dahil ngayon nga ay nakamtam na niya ang pangarap na maka-graduate at magka-diploma.
Nito nga lamang nakaraan, ay ibinahagi ni Juancho sa kanyang Instagram account ang kanyang naging pagtatapos sa kolehiyo, kung saan ay nagtapos siya sa kursong Bachelor of Science in Entrepreneurship, sa De La Salle University.
Ibinahagi nga ng aktor, na halos ilang taon din ang lumipas bago siya nakapagtapos sa kolehiyo. Taong 2019 umano ng magsimula sa Juancho sa kolehiyo, at aminado siya, na mula ng pasukin niya ang pag-aartista ay napabayaan niya ang pag-aaral, hanggang sa huminto muna siya.
Muling nagbalik sa pag-aaral ng kolehiyo si Juancho noong taong 2018, at sa pagkakataon ngang ito ay sa DLSU na siya pumasok.
At dahil nga sa nais talaga niyang makapagtapos at magkaroon ng diploma sa kolehiyo, ay pinagsabay ni Juancho ang pag-aaral at pag-aartista, na talaga namang hindi madali. Ngunit dahil sa kanyang determinasyon at pagpupursige na makapagtapos, ay heto na nga, at matagumpay niyang natupad ang kanyang pangarap na magkaroon na ng diploma, at tapusin ang kurso niya sa kolehiyo.
Narito nga ang naging pagbabahagi ni Juancho sa kanyang Instagram, ng kanyang naging matagumpay napagtatapos sa kolehiyo.
“The final stretch before I graduate from college!! Nag simula ako mag-aral 2009, but when I started in the industry, I got caught up with work and never really prioritized finishing my degree.
“Last year, I decided to continue what my parents worked hard for: my education
“Since then I have been juggling work and school to the point na nagpapahatid ako sa service ng Unang Hirit mismo sa La Salle, magpapa-excuse ako sa work because I have exams, or minsan kahit walang tulog diretso ako ng class.
“No special treatments also, bagsak kung bagsak. “Mahirap siya friends, and kahit na it’s cool to look good and take care of outer stuff, I’ve realized that education is still one of the best things we can prioritized and pursue. #Schooliscool #ThisIsForYouMama.”
Tunay nga naman na kaya nagpapakahirap sa paghahanap buhay ang ating mga magulang ay upang mabigyan tayo ng magandang edukasyon, dahil batid nila, na mahalaga sa buhay ng isang tao, ang magkaroon ng edukasyon na magiging isa sa kanyang mga sandata upang mas lalo pang maging matagumpay sa buhay.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento