Isa ba kayo sa naka-relate sa hugot ni Vice Ganda na “Kapag hindi ka na napapakinabangan iiwan ka, ang sakit nu’n”, na patungkol sa mga taong bigla na lamang nang-iiwan sa ere, kapag wala ka ng pakinabang sa kanila.
Samantala, nito nga lamang nakaraang episode ng “It’s Showtime”, ay napa-throwback ang TV-host comedian, kung saan ay inalala nito, ang panahong halos ilampaso sila sa ratings game, ng “Eat Bulaga”, ang katapat nilang noontime show sa GMA-7 network.
Ayon nga kay Vice, ang panahong ito, ay noong kasagsagan ng kasikatan at pagiging popular ng tambalang AlDub, na talaga namang halos bukambibig at inaabangan ng maraming mga manood.
Dahil nga sa halos wala ng nanonood sa kanilang programa, ay inisip na noon ng TV host-comedian, na magtatapos na ang “It’s Showtime” ng ABS-CBN.
Kwento nga ni Vice, dahil nga sa talagang talong-talo na ang kanilang programa ng AlDub, ay hinihintay na lamang umano niya ng mga panahong iyon, ang ipatawag siya ng mga bossing ng management ng “It’s Showtime” para sabihin sa kanya na wawakasan na ito.
“Ako talaga, hinanda ko talaga ang sarili ko na, feeling ko talaga, tatanggalin kami nu’ng panahon ng AlDub.Prangkahan na”, ang naging diresta nga nitong saad.
Kwento ng ni Vice, noong panahon ng AlDub ay halos wala ng nanonood ng Showtime, dahil tila lahat ng taosa buong Pilipinas, ay nakatutok sa tambalang AlDub. Kung saan pag sinilip mo ang social media, ay talaga namang ang tambalang ito ang laging laman ng usapan, at kung isa ka man sa mga manonood ng It’s Showtime, ay parang napakalaki pa ng magiging kasalanan mo.
Dagdag pa nga ng TV host-comedian, nag-aaway-away ang mga tao noon sa social media, dahil sa parang dapat ng mga panahong iyon ay sa AlDub lamang nakatutok. Tapos talagang napakababa na ng naging ratings ng It’s Showtime, dahil sa AlDub.
Pero ibinahagi naman ni Vice, na kahit na ganoon na ang nagyayari sa kanilang programa, ay ginagawa pa rin niyang ipaglaban ang Showtime.
“Tapos ako, laban na laban pa rin ako. Pero dumating ako sa punto na habang lumalaban ako, tinatanggap ko na, feeling ko, anytime soon, tatawagan ako ng management at sasabihan ako na, ‘We are cancelling the show. Tanggap ko yon.
Ngunit hind inga nangyari ang naiisip ni Vice na pagtatapos ng It’s Showtime, dahil hindi nilaglag ng ABS-CBN ang programa, kaya talagang yun umano ang pinanghahawakan ni Vice, para patuloy pa ring magtrabaho sa ABS-CBN.
“Magkamatayan na. Hindi ko iiwan ang ABS-CBN ngayon. Kasi nu’ng nangyari ito sa buhay ko, hindi kami iniwan ng ABS, e” Para nga kay Vice at talagang malaki ang utang na loob nila sa ABS-CBN, dahil ng mga panahon na unti-unti ng namamatay ang kanilang programa, ay hindi sila binitawan nito.
Kaya naman ngayon na ang ABS-CBN naman ang nakararanas ng ganitong sitwasyon, ay ipinangako ni Vice na hindi niya iiwan ang nasabing network.
“Kaya ngayon na nangyayari ito sa ABS, hindi rin kita iiwan. Katulad ng hindi mo pang-iiwan sa akin noon’, saad pa nga ni Vice. “Ang bait-bait talaga ng Diyos dahil pinakinggan niya ang mga dasal natin’, ani pa ng TV host-comedian.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento