Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Mega-Mall Sa Laki Ang Bagong Pinapatayong Bahay Ng Singer-Actress Na Si Megastar Sharon Cuneta

Kung ikaw ay isa sa mga tagahanga at tagasuporta ng nag-iisang Mega Star ng showbiz na si Sharon Cuneta, marahil ay isa ka rin sa nag-aabang kung kailan matatapos ang bagong bahay na ipinatayo nito.




Tila nga ang paghihintay ng mga tagasuporta at umiidolo kay Mega Star sa kung kailan matatapos ang bahay nito ay matatagalan pa, dahil sa laki nito na tila isang mansyon o megamall, ay hindi ito maaaring madaliin na matapos.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Sa kabilang banda, kahit nga ba matatagalan pa bago maipakita ni Megastar Sharon Cuneta sa lahat ang kabuuan ng kanyang itinayong bagong bahay, ay masaya naman itong ipinasilip ang bahagi nito na natapos na, tulad na nga lamang ng basement parking.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Ayon sa naging bagong update ng batikang actress-singer, halfway done na ang basement parking ng bagong bahay na kanyang ipinatayo.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

“Basement parking in our forever home halfway done! It’s under half the whole house”, caption ni Megastar sa kanyang naging post.

Photo Credit: reallysharoncuneta/Instagram

Matatandaan na buwan ng Oktubre taong 2020 ng una niyang ibahagi sa publiko na sa kabila ng pagkakaroon ng krisis, ay tuloy pa rin ang konstruksyon ng bagong bahay na kanyang isinagawa. At sinimulan na ang konstruksyon ng kanilang magiging bagong bahay, noong buwan ng Agosto ng nakaraan ngayong taon.

Marami nga ang talagang mamangha ng makita na napakalaki at lawak ng bagong bahay na ito na ipinatayo ni Megastar para sa kanyang pamilya, at inakala nga ng marami na isang mall o hotel ito.

“Am so excited that we’re moving forward! Construction started August 1 last year then my workers of course took a Christmas break.”

Ibinahagi rin ni Megastar na ang ang arkitekto ng bagong bahay na kaniyang isinagawa ay ang partner ng kanyang kaibigang si Zsa Zsa Padilla, na si Architect Conrad Onglao. Nagngangalang Onet Limchoc naman ang contractor nito.




Binigyang pugay din niya ang kanyang mga ‘workers’ dahil sa kasipagan ng mga ito, at pagiging organisado pagdating sa kanilang trabaho.

Inihayag naman ni Sharon na ayon sa kanyang contractor, ay aabutin pa ng dalawang taon bago tuluyang matapos ang mala-mansyon sa laking bahay niya na ito.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento