Kinaaaliwan ng mga netizens ngayon ang mga larawan ng mga cute and bouncing baby ni Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, dahil sa kabila ng murang edad pa lamang ng anak niyang si Lolo, na 2-taong gulang pa lamang, ay kitang kita na kung paano ito maging isang sweet at caring na kapatid sa kanyang baby brother na si Koa.
Makikita nga sa IG ni Andi ang naging pagbabago nito ng larawan nina Lolo at Lola na puno ng lambingan, at ang larawan nang ito ay kinunan ng Cocoon Studio Ph.
Sa nasabing larawan nga ay makikita na hawak hawak ni Lolo ang kanyang baby brother na si Koa, at ito ay kanyang binigyan ng isang forehead kiss. Tila naman sa edad na 2-taong gulang ni Lilo, ay ipinapakita na nito na ateng-ate na siya sa kanyang bunsong kapatid.
Tila rin naipadarama ni Lilo kay baby Koa, na bilang isang ate ay nasa tabi siya nito lagi para alagaan ito, kahit pa nga ba mga musmos na sanggol pa lamang silang dalawa.
Kalakip naman ng larawan na ito ay ang naging caption ng kanilang mommy na si Andi na, kinakailangan niya talaga ang maraming energy lagi, para sa kanyang mga chikiting.
“Having two under 2 can get tough. Specially when your kids just have so much energy all the time. (Fortunately, our only boy seems to be the calm one..
so far!) but no worries because seeing precious moments like this one happen naturally for them, makes it all well worth it. [red heart emoji][camera emoji] !cocoon studio.”
Marahil ay related sa sinabi sa naging caption ni Andy ang maraming mga magulang, dahil tunay nga namang kahit gaano pa ka-hype ang energy level ng iyong anak at kahit sobrang likot ng mga ito, ay hindi mo naman mapapansin ang pagod kapag nasisilayan silang malusog, masaya at punong-puno ng kakyutan.
Kaya naman bilang mga magulang, kahit hindi madali ang mag-alaga ng dalawang anak na puro nasa stage pa na ‘alagain’ at ‘bantayin’ ay talagang masaya ang engaged couple ng sina Andi at Philmar sa pag-aalaga ng kanilang mga anak dahil sa giliw na giliw naman sila habang inaalagaan at binabantayan ang mga ito.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento