Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

3-Taon-Gulang Na Bata, Nahulog Mula Sa Ika-12th Floor Ng Gusali, Pero May Isang "Anghel" Na Sumalo Sa Kanya

Minsan dumadating talaga ang pagkakataon na nagagawa natin bigla ang isang bagay na inaakala natin ay hindi natin kaya. Katulad na lamang ng sa isang lalaki na nag ngangalang Nguyen Ngoc Manh, na sumagip sa tatlong taong gulang na bata na nahulog sa ika labing dalawang palapag ng gusali.

Ayon sa video na naupload sa socmed nito lamang Pebrero 28, makikita sa video ang tatlong taong gulang na batang babae kung saan ito ay nakabitin sa palapag ng isang gusali sa Nguyen Huy Tuong Street sa Hanoi.

Mga ilang Segundo ang lumipas sa pagkakabitin ng bata ay tuluyan na itong nalaglag sa mataas na palapag. Mabuti na lamang at nasalo ito ni Nguyen Ngoc Manh.

Napag alaman na hinihintay ng lalaki ang ipapahatid sakanyang package ng mga sandaling iyon at narinig nito ang isang babaeng sumisigaw.

Noong una ay inakala niya na mayroon lamang batang pinapagalitan ngunit ng silipin niya ito sa taas ay isang bata na malapit ng malaglag ang kanyang nakita. Kaya dali-dali itong lumlabas sakanyang sasakyan at umakyat ng bubong upang subukang masalo ang bata. At nagawa naman niya itong masalo.


Matapos ang pangyayari ay agad naman dinala ang bata sa National Children’s Hospital. Kung saan dito ay sinuri ang bata at nakita na napinsala ang tagiliran nito na nag resulta sa “dislocated hip”.

Dahil sa pangyayaring ito ay umani ng maraming papuri ang ginawang kabayanihan ni Manh. Maraming netizens din ang nagpasalamat sa kanyang mabuting puso sa pag sagip ng bata.

Ayon kay Manh, maniniwala ito na kahit sino ay gagawin din ang kanyang ginawa lalo’t kung sila na ang nasa sitawasyon na iyon.

Ang pangyayari din na ito ay isang paalala sa mga magulang na laging bantayan ang kanilang mga anak upang hindi magresulta sa hindi inaasahang pangyayari katulad sa pangyayaring ito.

Narito ang kuha ng video sa pangyayari na ibinahagi sa socmed ng “Indiatimes”, mula sa Twitter/unicanal.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento