Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Paralisadong Tatay, Hinangaan Dahil Sa Patuloy Na Paghahanap-Buhay Para Sa Kanyang Pamilya

Sa panahon napakaraming mga magulang na handang gawin at kayanin ang anumang pagsubok basta’t para sa kanilang pamilya. Kahit gaano kahirap pa ang pagsubok na kinakaharap sa buhay ay patuloy na lumalaban at hindi nawawalan ng pag-asa.

Katulad na lamang ng isang tatay na ito na hinangaan ng maraming netizens dahil sa anking abilidad at dedikasyon para sa ikabubuti ng kanyang pamilya.

Marami ang humanga sa tatay na ito na nag ngangalang Tatay George, na mula sa Tiaong, Quezon. Kung saan isang larawan nito ang pumukaw sa puso ng marmaing netizens.

Sa larawang ibinahagi sa socmed ay makikita na sakabila ng pagiging disabled ni Tatay George ay patuloy pa rin itong kumakayod at naghahanap buhay. Ito ay nag titinda ng gulay at kasa-kasama nito ang kanyang anak sa tricycle.

Kitang kita sa larawan na hindi biro ang sitwasyon ni Tatay George at higit pa dito ay mas nakakalungkot na malaman na sakabila ng murang edad nito, noong siya ay bata pa ay marami na pala itong kinaharap na pagsubok. Kung saan marahil ito ang dahilan kung bakit nakikitang kinakaya nito ang hamon ng buhay.

Bata pa lamang ito ay iniwan na ito ng kanyang ina at mabuti na lamang ay kinupkop at inalagan ito ng kanyang lolo at lola hanggang sa ito ay maging walang taong gulang.

At ng dumating ang panahon na binalikan ito ng kanyang ama, dito ay nakatikim ito ng pagmamalupit. Bagama’t sunod sunod ang mga pagsubok na kanyang kinaharap ay pinilit pa rin nitong makapag aral at makapunta sa paaralan, sa kabila na siya pa ang nag proprovide sa kanilang pamilya.


Ngunit sakabila ng pagsusumikap ni Tatay George ay tinamaan pa rin ito ng hindi inaasahang karamdaman kung saan siya ay nagkasakit, na nag resulta upang maparalisa ang kanyang mga hita.

Mabuti na lamang na sakabila ng mga pangyayaring ito sakanyang buhay ay meron pa ring mga mabubuting tao sa paligid niya na kung saan ay nagbigay ng tulong. Katulad na lamang ng ibinigay sa kanya ng tricycle na kanyang magagamit pang araw-araw para kumita.

Tunay nga namang kahanga-hanga ang mga kinaharap ni Tatay George at talaga nakakainspire ang kanyang dedikasyon sa trabaho sakabila ng kanyang kundinsyon. 


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento