Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Dalawang Bata, Iniwan Sa Sasakyan Ng Kanilang Ama, Pagligtas Sa Kanila Nakunan Ng Video

Isang video ang kumakalat ngayon sa socmed kung saan makikita ang dalawang batang sinagip  ng mga concern citizens sa loob ng isang sasakyan.

Makikita sa video na pawis na pawis ang mga bata at init na init loob ng sasakyan, at walang kasamang matanda o mga magulang.

Mabuti na lamang at namataan ito ng ilang concern citizens at pinilit na buksan ang sasakyan upang mailabas ang mga bata. Sa video na inupload ng Facebook page na “TikTok Collection”, makikita na napilitan ng basagin ang salamin ng Suzuki Ertiga mailabas lamang ang dalawang bata sa loob nito.

Nang mailabas ang mga ito ay makikita na pawis na pawis. Agad silang dinala sa isang convient store upang painumin ng tubig. Agad din namang uminom ang mga ito dahil sa labis na uhaw at inet sa loob ng sasakyan.

Ayon sa mga concern citizen na nakasaksi at tumulong upang mailabas ang mga bata. Sila ay nag -aalala na baka suffocate at maheat stroke ang mga ito. Kaya ginawa nila lahat ng paraan para mailabas ang mga ito.

Mabuti na lamang talaga at namataan at nailabas agad ang mga bata sasakyan dahil kung nagtagal pa ito ay marahil magresulta ito sa hindi inaasahang pangyayari.

Maraming  netizens ang sobrang nalungkot at nadismaya sa kasama ng mga bata. Kung bakit hinayaan silang iwanan sa loob ng sasakyan.

Narito ang ilang sa mga kommento na ibinahagi ng mga netizens patungkol sa video na ito.

"Daming ganyang cases sa Us. Kahit mga asong naiwan sa loob ng sasakyan. And binabasag tlga nila ang salamin. Kc delikado tlga dhil mainit sa loob.

"Naiyak ako .. nakakaawa tlga mga bata. Kitang kita sakanila e. Uhaw na e. Dpat binabalik balikan ksi yan.. Isa yan sa dahilan kung bakit nagagawa din sguro yan kasi dba bawal sa loob ng mall o ano ang mga bata .. wala sgurong maiiwanan kaya dyan nalang sa kotse naiwan. Ang dami tlgang nagsasakripisyo sa pandemya na to"

"takte mga magulang buti may mga concern citezen.. dehydrate un s loub kc mainit.. maging aral sana yan sa iba..."


Ang pangyayari na ito ay isa ding paalala sa mga magulang na may-ari ng sasakyan na wag hayaan maiwan ang kanilang mga anak o kahit sinong bata sa loob ng sasakyan ng walang kasama.

Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento