Sa isip ng mga Pinoy kapag nakapag-sawa ka ng mga dayuhan ay "ma pera" kana agad ngunit hindi naman lahat ng Pilipino ganito mag isip.
Sa buhay, mayroong mga tao na labis na nangangailan. Hindi porket ibang lahi ito ay iisipin kaagad na karamihan sa kanila ay mayaman. Tayo lamang ay tao din lang mayroong mahirap, may kaya, at nasa mabuting antas ng pamumuhay.
Isang kwento ng British National na nakapag asawa ng Pinay ang labis na usap usapan sa social media. Siya ay si David Dobson 74 years old.
Si David ay ilang taon ng palaboy laboy sa lansangan. Ayon sa kanya iniwan siya ng kanyang asawa matapos siya mawalan ng pera.
Kaya naman wala siyang ibang naiisip na paraan kundi ang mangalimos sa lansangan para lamang ma buhay.
Sa awa ng Diyos mayroong simbahan ang tumanggap sa kanya upang sya ay alagaan at ma bigyan ng pagkain sa kanyang buong linggong pangangailan.
Sakitin at mabaho noon si David ayon kay Mam Julie Ann na sya ang tumanggap kay David para matulungan. Unang kita niya palang ay pagkain na ka agad ang hiningi ni David sa kanya. Agad naman nito tinulungan ang matanda.
Kada matapos ang misa tuwing linggo ay naglilinis si David sa simbahan at agad naman siyang binibigyan ng pera para sa buong linggo niyang pagkain. Yun nga lang, hindi ka agad maka alis ng bansa si David sa kadahilanan na wala siyang dalang documento para sa kanyang passport.
Humihingi naman ng kaunting tulong ang simbahan para sa mga gastusin para siya ay matulungan na maka uwi na sa lugar na kanyang pinanggalingan.
Basahin ang buong post ni Jimmy sa ibaba:
"Paki share nlng natin mga ka FB , Sana matulongan naman natin itong isang british national na si DAVID DOBSON 74 YRS.OLD. Ito po at iniwanan ng kanyang ka live in na filipina at nagpalaboy laboy nlng sa lansangan na walang makakain , At mabuti nlng nakadaan sya sa isang simbahan ng SEVENTH DAY ADVENTISH CHURCH dito sa sibonga chapter at duon nka usap nya si maam julie ann at ang unang sinabi ni david ay pakainin sya kasi 3 days na raw sya na walang kain.
"Payat, mabaho at may sakit pa na ubo at lagnat. At sa awa ng buong simbahan pinapagamot at dinala ng hospital gastos ng simbahan. So sa madaling sabi gumaling sya sa kanyang lagnat pero ubo nya meron pa.
"So days passes by and after church service every saturday afternoon binibigyan namin sya ng pera good for the whole week pra pambili nya ng pangkain hanggang mka abot next saturday .tinatanomg namin sya kung saan sya nauwi sinabi nya ang isang lugar nasa bundok at napakalayo sa bayan ng sibonga. Ito ay kwento nya na natutulog lng daw sya sa isang maruming sementong sahig walang unan at kumot.
"Kaya pala mabaho sya dahil walang tubig sa kanyang tinitirhan. Lalo kaming naawa sa kwento nya higit sa lahat ang pakain nya araw araw dahil kung lagi nlng sya malilipasan ng gutom hindi tatagal masisiraan talaga sya ng bait ,yan ang naiisip naming mag asawa so nag decide kami ng mesis ko na dito nlng namin patirahin ng bahay habang tinutulongan namin ni maam julie ann ang pag follow up sa kanyang mga papeles documento especially kanyang passport.
"But sad to say na wala na palang british console dito sa cebu nasa maynila na dAw. So mga ka FB ito na ngayon ang problema kung paano natin matulongan si david na makauwi balik sa kanilang bansa. Wala syang mga documento especially passport.
"We're really willing to help david but to go to manila its a big problem financially. Paki share nlng mga ka FB bka merong handang tumolong kay david madala sya sa embassy nila pra mkabalik na sya sa kanyang bansa. Salamat sa nag shares.. and MERRY X-MAS TO ALL AND HAPPY NEW YEAR...
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento