Karamihan sa atin may alam na kung sino pa yung may pagkukulang sa katawan o anyo ng isang tao sila pa yung pursigido na abutin ang kanilang mga pangarap sa buhay.
Kagaya nalamang ng kwento ni Minnie Aveline Juan ,siya ay isinilang na may komplikasyon sa kanyang mga mata. Ngunit hindi ito naging rason para siya ay hindi mag patuloy sa buhay sa tulong na rin ng kanyang pamilya.
Nakapagtapos siya sa elementarya, high school, at college na may mataas na parangal na nakukuha. Humanga naman ang kanyang mga magulang sa kanyang mga minimithi sa kabila ng kanyang kalagayan.
Hindi biro ang pinagdadaanan ng isang kolehiyo, marami ang humahanap ng paraan para maitaguyod ang pag aaral dito, mapa gastusin at kung ano pa. Kaya naman nakakahanga ang kwento ni Minnie dahil sino ang mag aakala na dalawang kurso ang kanyang natapos.
Una ang "Bachelor of Arts in English” bilang magna cum laude. Matapos niyang magtagumpay sa kursong ito ay hindi siya huminto sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap.
Pangalawa naman ang ay kursong "Bachelor of Elementary Education major in Special Education" sa Virgen Milagrosa University sa San Carlos, Pangasinan.
Masaya rin ang pamumuhay ni Minnie sa panahong alam niyang gagawin niya rin ang kanyang makakaya sa kanyang nabuo ring pamilya.
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento