Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Taxi Nag-Viral At Kinagiliwan Ng Mga Netizens Dahil Sa Malagubat Na Disenyong Interior

Kung ikaw ba ay nakakita ng isang Taxi na ang interior ay may kakaibang disenyo? Sasakay ka pa ba?o Ikamamangha mo ba ito? Kamakailan lamang ay sikat na sikat at nag-viral sa social media ang isang Taxi, dahil sa hindi pangkaraniwan ang makikita sa loob nito.




Ayon nga sa naging ulat, naging hindi pangkaraniwan ang nasabing Taxi dahil sa dinesenyuhan ito ng driver ng kakaibang disenyo, kung saan ay tila nga biglang mapupunta sa ibang mundo ang sasakay na pasahero dito dahil sa malagubat nga ang disenyo sa loob nito.

Image Credit via Google

Makikita nga sa larawan ng naturang Taxi, na ang kisame nito ay puno ng mga ugat, kaya naman talagang kakaiba ito, kumpara sa mga normal na Taxi na kadalasan na nasasakyan ng marami sa atin.

Image Credit via Google

Ang nag-post nga ng naturang larawan ng kakaibang Taxi na ito sa Facebook, ay ang naging pasahero dito na kinilala ng si Pizchys Phaniwan.

Image Credit via Google

Sa naging pagbabahagi ni Pisces, ay sinabi nito na kaya niya ibinahagi ang larawan ng Taxi ay dahil sa talagang namang kamangha-mangha ang disenyo nito, ngunit sa kabila nito, ay hindi niya rin umano napigilan na makaramdam ng takot, dahil nga sa malagubat na interior nito.

Dahil nga sa ginawang post ng naturang netizens, ay naging viral nga ang Taxi dahil sa kakaiba nga ito sa mga normal na Taxi na na sasakyan ng marami.

Nang mag-viral nga, ay nakarating sa kinauukulan ng Land Transformation Department ng Thailand ang nasabing kakaibang itsura ng Taxi sa loob nito, at napag-alaman nga na ang driver ng Taxi na ito ay nagngangalang Wichai Chinwong.

Samantala, ipinaliwanag naman ni Winchai Chinwong, kung bakit ganun ang interior ng kanyang Taxi, kung saan ayon nga sa kanya, ang mga ugat na nakapalibot sa kisame ng kanyang Taxi, ay mga hindi pangkaraniwang ugat, dahil ang mga ito umano ay sagrado at dinasalan ng Buddhist Monk.

Naniniwala nga ang naturang Taxi driver, na ang mga ugat na ito ay gagabayan siya sa kanyang pagmamahal at ilalayo siya sa anumang aksidente.

Sa kabila naman ng naging eksplenasyon ni Winchai Chinwong, ay hindi pa rin naaayon sa guidelines ng Land Transformation Department ang interior ng kanyang Taxi, kaya naman siya ay pinagmulan ng nasabing department.




Isa nga sa mga guidelines ng maraming Land Transformation Department, ay ang hindi dapat mag-cause ng injury sa mga pasahero ang mga pampublikong sasakyan. Hindi rin naman talaga kinakailangan ng mga palamuti sa loob ng sasakyan.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento