Sa buhay mag-asawa, ay iba’t ibang karanasan ng buhay ang mararanasan, lalo na nga kung ang mag-asawa’y nagsisimula pa lamang na bumuo ng kanilang sariling pamilya. Nariyan ‘yung mararanasan muna ang makitira sa mga magulang, o di kaya naman ay ang mangupahan muna bago makapag pundar ng sariling tahanan para sa pamilya.
Samantala, isa sa mga popular na celebrity couple ang kamakailan lamang ay ibinahagi kung paano ang naging pagsisimula niya noong sila ay bumuo na ng kanilang pamilya, kung saan ay inamin nga nila na naranasan nila ang makitira.
Nito nga lamang nakaraan, sa programang Sarap, Di Ba? Bahay Edition, ay masayang ibinahagi ng celebrity couple na sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi ang kanilang mga ‘fun stories’ ng muli nilang balikan ang naging buhay nila noon sa Amerika, noong sila’y nag-uumpisa pa lamang bumuo ng kanilang pamilya.
Batid ng marami sa atin, na noong unang magsama sina Carmina at Zoren ay naninirahan sila sa Amerika, kung saan doon na nga rin isinilang ang kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy.
Kwento nga ng mag-asawa, noong nasa Amerika sila ay nakikitira lamang sila sa bahay ng kapatid ni Zoren. Ayon naman kay Zoren, noon nga ay sa sofa bed sila natutulog.
“Noong baby sila sa sofa lang kami natutulog. Sofa bed ‘yun actually”, ani Zoren.
Bigla namang sumagot si Carmina na, “Ako yung sofa bed, ikaw bed talaga.”
“Nakikitira lang po kami sa brother ni Zoren sa states, si Jippy. They only one bedroom that time. ‘Yung sala sorry na-convert na namin into our bedroom. ‘Yung sofa bed sa akin and cassy. ‘Yung bed na nilagay nila doon si Maverick at si Zoren”, ani Carmina.
I-Chinika rin ni Carmina, kung paano ang maging magulang ng kambal, kung saan ayon nga sa kanya, sa kabila ng dobleng nakakapagod ito, ay doble rin naman ang kasiyahan nila sa tuwing inaalagaan nila ang kanilang mga anak.
“Kami po ni Zoren, times two… Two times doble po ang kasiyahan na nararamdaman namin ni Zoren, two times din ‘yung pagod.” Itinanong naman ng kambal na anak ng mag-asawa na sina Cassy at Mavy, kung sino sa kanilang dalawa ang iyakin nu’ng sila’y sanggol pa lamang.
Sinagot naman ito ni Carmina na; “Walang masyadong iyakin e. Wala namang iyakin sa inyo. You guys are typical babies, iiyak lang kayo when you are hungry or iiyak lang kayo kapag mayroon ng poop yung diaper nyo.”
Video Credit: Carmina Villaroel/YouTube
Dagdag pa ni Carmina, sa kambal, ay ang anak niyang si Cassy ang mahirap patulugin sa dalawa, dahil sa kailangan niya talagang ihele, kantahan at i-sway sway niya ito para makatulog ito.
Nang tanungin naman ng kambal kung sino ang “happy baby” sa kanilang dalawa, ay ito ang naging kasagutan ni Carmina. “Pareho kayong happy babies. May times si Maverick ‘yung naka-smile.”
Bago naman matapos ang chikahan, ay isang mensahe ng inihayag ni Carmina para sa kanyang kambal na anak, kung saan ay kanya ngang sinabi na; “Kahit na hindi na kayp mga babies, para sa mga mata naming ng tatay niyo e talaga namang mga babies namin kayo forever. I always say that kahit na twenty na kayo, kahit na thirty, forty, you will always be our babies.”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento