Si Bea Alonzo ay isa sa mga pinaka-popular na aktres ng kanyang henerasyon. Kabilang din siya sa mga award-winning actress, dahil sa talaga namang lahat ng kanyang proyekto, mapa-pelikula man ito o serye ay ipinapamalas niya ang kanyang husay at talento bilang isang magaling na artista.
Samantala, sa tagal na ni Bea na aktres sa industriya sa showbiz, ay batid natin na marami na siyang naging ‘achievement’ sa kanyang buhay.
Ayon nga sa 33-taong gulang ng si Be, bilang isang artista, isa sa kanyang ‘best achievement’ ay ang naipundar niyang malawak na lupain, na matatagpuan nga sa probinsya ng Zambales.
Kamakailan nga lamang, sa isang virtual session ni Bea sa PEP.ph, ay ibinahagi niya kung paanong naging malaking tulong sa kanilang pamilya sa panahon ng pandemya ang napundar niyang farm sa nasabing probinsiya.
Kwento ni Bea, ang farm niya ang naging “safe haven” ng kanyang pamilya ngayong patuloy pa rin ang paglaganap ng krisis. “Beati Firma” ang pangalan ng farm ni Bea, kung saan latin word ito na ang ibig ngang sabihin ay “Blessed Farm.”
Ang lupain nga niyang ito ay mayroong 16 hektaryang lapad Sa naging ulat, taong 2011 pa umano ng mabili ng aktres ang nasabing lupain, at mula nga noon ay ang kanya ng ina na si Mary Anne ang tumitingin at nangangalaga dito.
Inamin din ni Bea na noong una ay hindi talaga madali ang pamamalakad sa ‘farm’, lalo pa’t magastos talaga ito. Ngunit dahil sa tulong ng kanyang ina, at ilan sa mga naging kaibigan nila sa Zambales, na mayroon ding farm, ay nakaya nga nilang pamalakaran ito.
“Medyo mahirap lang siya at first, at sa totoo lang magastos, pero now it’s okay, it’s self-sustaining”, ani Bea. “Sina mama doon nakatira talaga. Dati kasi 50 percent [of] the time doon sila sa farm; and then 50 percent of the time nandito sila sa bahay dito sa Pasig. But then ever since the krisis hit, definitely nadoon na talaga sila.
My brother also decided to live there, so he built his own house there. May baby na kasi siya ngayon.. they’re afraid to go back to Manila. Ako din parang mas ease ako na nandun sila”, dagdag na saad pa ng aktres.
Base nga sa naging saad ng aktres, mas naging kampante siya ng manirahan ang kanyang pamilya sa Zambales, dahil sa talagang napaka-safe ng lugar, lalo na ngayon na nakakaranas pa rin ang lahat ng krisis dahil sa krisis!.
“Right now, I’m just very happy na nung 2011, I decided to invest sa Zambales”, ani pa ng aktres kung gaano siya kasaya na napundar niya ang “Beati Firma.” Ikinuwento rin ng aktres, kung paano nila naisipan ng kanyang ina, na mag-invest sa Zambales. At ayon nga kay Bea ang dati niyang co-star sa 2011 ABS-CBN series naa Guns and Roses ng beterano ng aktres na si Isabel Rivas, ang humikayat sa kanya na mag-invest sa Zambales.
Video Credit: Bea Alonzo YouTube
“Nagpunta si mama noon sa set, nakilala niya si Tita Isabel.. Chumika-chika kami, ganyan. Nachika niya na meron siyang farm sa Zambales. In-invite niya kami na punta kami and, that time, may ino-offer siyang lupa sa amin na malapit sa farm nila”, sey ni Bea.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento