Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Matandang Lalaki, Nahusagahan Na Manlilimos Sa Isang Pawnshop Pero Magpapadala Pala Ng Pera Sa Anak Niya

Sa mundong ating ginagalawan ngayon, tunay ngang masasabi na napakarami na talaga mga taong mapanghusga sa kapwa. Yung tipo nang klase ng mga tao na nanghuhusga sa pagtingin sa panglabas na kaanyuan at kasuotan ng isang individual, na nagiging dahilan upang kanilang iwas-iwasan at pangilagan.

Ito ang naranasan ng isang matandang lalaki na kung saan ay nahusgahan at iniwasan ng ibang mga customers sa isang pawshop.

Inakala ng mga customers na isang matandang manlilimos ang lalaki kaya nagawa nilang dumistansya at umiwas dito. Ngunit laking gulat ng mga ito na isa din pala itong customer sa pawnshop.

Ang lalaking napagkamalan na matandang manghihingi ng limos ay magpapadala din pala ng pera sa kanyang pamilya sa probinsya. Matapos malaman ng ibang customers ang pakay ng matandang lalaki ay napalitan ng paghanga ang kanilang di magandang panghuhusga dito.

Marami ang humanga sa matandang lalaki dahil sa kabila ng pagkakaroon ng matandang edad nito ay hindi pa din ito nakakalimot na mag bigay  ng perang pang suporta para sa kanyang pamilya.

Bagama’t marami ang humusga sakanyang panlabas na itsura at kasuotan. Hindi ito naging dahilan para mahiya sa iba. Ito ay isang patunay lang na kung ikaw ay wala ginagawa na hindi maganda o masama, ay hindi ka dapat mahiya sa iyong paligid.

Ang pangyayaring ito ay tunay na kapupulutan ng aral. Tandaan na kahit ano pa ang iyong suotin o ano pa ang pang labas na anyo na meron kang taglay, at kahit ano pa ang estado mo sa buhay basta’t kilala mo kung sino ka ay hindi ka dapat maapektuhan ng kahit anong sinasabi ng mga tao sa paligid mo.

Paalala din ito sa lahat na wag maging mapanghusga sa mga taong nakakasalamuha. Dapat ay wag tumingin lamang sa pang labas na kasuotan o anyo. Ang tunay na katangian ng isang tao ay makikita sa panglabas kundi sa loob at sakanyang pag-uugali. 


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento