Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Bride Ang Ibinahagi Kung Bakit Mas Pinili Ang Pampamasadang Tricycle Ang Gamitin Sa Kanyang Kasal

Sa panahon ngayon ay hindi na nga biro ang nagagastos kapag nagpapakasal, ngunit nasa dalawang taong nagmamahalan pa rin nga yan kung paano nilang didiskartihan ang kanilang kasal na sa kabila ng hindi nito pagiging magarbo ay magiging matagumpay naman ang okasyon na ito para sa sumpaan ng kanilang pagmamahalan.




Nito nga lamang nakaraan ay mayroon na namang bagong kasal na nag-viral at naging agaw-pansin sa social media. Ito nga ay matapos nilang patunayan na hindi kinakailangan na gumastos pa ng malaki sa pagpapakasal lalo na kung may mga alternatibo naman na pwedeng gamitin sa bagay na kinakailangan sa nasabing okasyon.

Image Credit via Google

Imbis nga na magrenta ng isang kotse para gamitin sa kanilang kasal, ay mas pinili ng bagong kasal na kinilalang sina Karezza Faith Tullo – Atrero (ang bride) na hindi na magrenta at ang gamitin na lamang na bridal car sa kanilang kasal ay ang kanila na nga lamang tricycle.

Image Credit via Google

Ayon nga kay Kereeza, ang pang pamasadang tricycle ng kanyang ama ang nagsilbing bridal car nila nung kasal, ito ay para na nga rin sila ay makatipid. Nilagyan na nga lamang nila umano ito ng palamuti para naman maging maganda ito sa mga mata ng kanilang mga bisita.

Image Credit via Google

“On my wedding last December, I chose to ride on a Tricycle than a car. Mas gusto kong ihatid sa simbahan gamit ang Tricycle na naging malaking parte ng aking buhay”, ang kuwento nga ng bride na si Kereeza sa kanyang Facebook post.

Image Credit via Google

Paglalahad nga niya, siya ay lumaki na nakikita ang sakripisyo na ginagawa ng kanyang mga magulang partikular na ang kanyang ama na halos umulan man o umaraw ay araw-araw na namamasada ng tricycle. Kaya naman sa araw ng kanyang kasal, ay ninais niya na bigyan ng parangal ang kanyang Ama.

Image Credit via Google

“I believe, this is the best chance I can HONOR my father for all of his hardworks such as a tricycle driver working so hard para sa aming pamilya” ani pa ni Kereeza.

Image Credit via Google

Suot ng ani Kereeza ang kanyang wedding gown ay sumakay siya sa pampamasadang tricycle ng kanyang ama no’ng araw ng kanyang kasal, kung saan ito nga ang kanyang sinakyan patungo sa simbahan.

Hindi nga niya alintana ang init at pawis, dahil habang nasa loob ng tricycle ng ama ay kanyang minumuni-muni kung gaano siya kaswerte sa ama niya na kinilala ngang si Mang Efren.

Ibinahagi rin ni Kereeza kung gaano siya ka-proud sa kanyang ama, dahil napakabuti, responsible at mapagmahal nit. At lahat nga ng sakripisyo sa trabaho ay ginagawa nito para mabigyan sila ng maayos na buhay.

“Proud ako sa kung sino s’ya. Proud ako na s’ya ay isang mabuting Ama. Proud ako na s’ya ay matapat na tricycle driver. At proud ako na ako’y kanyang anak.” Sa pagtatapos ng naging pagbabahagi ni Kereeza sa kanyang kahanga-hangang kuwento,




ay nag-iwan nga siya ng magandang mensahe para sa lahat lalo na sa mga kabataan, na nararapat nga lamang umano na bigyan nating parangal ang ating mga magulang.

“And to every girl and boy reading this, I hope we do take every opportunity to honor our parents. And to those who have lost their parents, I know up there – they are happy to see you happy! Hindi ka man nila mailakad sa altar, baon mo sigurado ang pagmamahal nila.”


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento