Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Proud Parents Sa Kanilang Anak Ang Mag-Asawang Empanada Vendor At Welder Matapos Nitong Makapasa Sa Nursing Board Exam

Tunay nga naman na pagdating sa tagumpay sa buhay kailanman ay hindi maaring maging basehan ang estado ng buhay ng isang tao . At ito nga ang pinatunayan ng isang dalaga na kinilalang si Shannara Mica Guta,




na sa kabila nga ng pagkakaroon nila ng kanyang mga magulang ng isang payak na pamumuhay ay napagtagumpayan niya na bigyan ng karangalan ang kanyang pamilya matapos nga niyang maging 10th placer sa Nursing Licensure Examination (NLE).

Image Credit via Google

Ayon nga sa mga naging ulat, si Shannara ay mula sa isang pamilya na may simpleng pinagkukunan ng ikabubuhay araw-araw. Ang kanyang ina ay isang empanada vendor na walang tiyak na kinikita sa loob ng isnag buwan at ang kanya namang ama ay isang welderer.

Image Credit via Google

Nang makapagtapos nga ng kanyang pag-aaral si Shannara ay labis ang nadamang kasiyahan ng kanyang mga magulang dahil nakita nila kung paanong nagpursige ang kanilang anak.

Image Credit via Google

Mula elementarya hanggang highschool ay isang honor students si Shannara, kaya naman walang duda na may angking katalinuhan talaga siya.

Image Credit via Google

Para nga sa kanyang mga nakababatang kapatid at iba pang mga kabataan ay isang modelo na dapat tularan ng mga mag-aaral si Shannara, maging ng kanyang mga nakababatang kapatid.

Si Shannara ay nakapagtapos ng kanyang kursong B.S Nursing sa Mariano State University sa Batac, Ilocos Norte at ito nga ay naging posible dahil sa kanyang masisipag at super supportive na mga magulang.

Maliban nga sa pagtatapos niya sa kolehiyo, ay mas binigyan pa ng kasiyahan at karangalan ni Shannara ang kanyang mga magulang ng siya nga ay makapasa sa Nursing Licensure Examination, kung saan siya nga ay naging 10th placer sa libo libong nakapasa dahil sa nakakuha siya ng rating na 84.60%.




Dahil nga sa pagiging panganay sa magkakapatid ay talaga namang pursigido si Shannara na makapagtapos at pagbutihin ang kanyang pag-aaral. At ngayon nga na natupad na niya ang isa sa kanyang mga pangarap sa buhay ay pinaplano niya na naman ang pumasa sa National Council Licensure Examination o NCLEX. Plano din umano ng dalaga na kumuha ng kanyang master’s degree.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento