Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Jinkee Pacquaio, Pinasilip Ang Kanilang Private Resort Na Talaga Namang Sobrang Gara


Dahil sa kahilingan ng kaniyang mga avid fans, ipinasilip ng Youtube Vlogger at maybahay ni Senator Manny na si Jinkee Pacquiao ang kanilang private beach resort na matagal nang gustong masilip ng kaniyang mga fans.

Sa kaniyang vlog, ipinakita ni Jinkee ang ilang bahagi ng kanilang private beach resort sa Saranggani. 

Gayunpaman, agad namang ipinaliwanag ni Jinkee na ang pagpapakita niya ng kanilang private beach resort ay hindi pagyayabang kundi bilang sagot sa request ng kaniyang mga avid fans na gustong masilip ang naturang lugar.

Unang ipinakita ni Jinkee sa kaniyang tour vlog ang labas ng kanilang compound. Matapos nito, pumasok naman sila sa loob ng resort at ipinakita din ang mga villas na nasa loob ng resort.


Ayon kay Jinkee, ang mga villas na ito ay lugar kung saan gustong-gusto ng kanilang buong pamilya na magrelaks.

Ang dalawang villas na naroon ay para rin sa pamilya Jamora at Pacquiao. Aniya, nais ng pamilya ni Senator Manny na magkaroon ng separate o personal space sa tuwing bumibisita sila sa private beach resort na ito.


Ipinakita din naman ni Jinkee sa kaniyang tour ang mga kuwarto, ang hall, ang gazebo at ang mismong pool area kung saan gustong gusto ng bawat miyembro ng pamilya na magbabad. Ilan sa mga larawan ay ibinahagi din naman ni Jinkee sa kaniyang Instagram.

Sinabi din naman ni Jinkee sa kaniyang vlog na nakumpleto na ang private beach resort na ito halos pitong taon na ang nakalipas. Ilang oras lang naman matapos ang pag-upload ng video na ito sa YouTube, umani na agad ito ng sangkatutak na views at comments na nagsasabing sobra sila na-amaze sa magarbong private beach resort na ito ng mga Pacquiao.


Marami din naman ang na-inspire ng video na ito na magsikap upang maabot din ang kanilang pangarap na magkaroon ng mariwasang buhay para sa kanilang pamilya.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento