Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Lolang Tindera Ng Kakanin, Labis Na Nanlumo Matapos Lokohin Ng Isang Customer

Sa panahon ngayon wala na talagang pinipiling oras o tao ang mga manloloko. Kung minsan ay kahit sino ka pa o kahit ano pa ang estado mo sa buhay ay maaari kang mabiktima ng mga manloloko. Madalas pa nga ay kung sino pa ang may edad ay sila pa ang pinupuntirya ng mga ito.

Katulad na lamang nangyari sa matandang tindera ng kakanin na kung saan ay nagawang isahan at lokohin ng bumili sakanya.

Sa paghahanap buhay ng matanda na nag ngangalang “Nanay Liza”, sa Cainta,Rizal. Hindi sukat akalain nito na peke ang 500 Pesos na ipinangbayad sakanya na pera.


Pagsasalaysay ng matanda sa pangyayari, natatandaan niya na halagang 80 Pesos ang binili sakanya ng isang babae. Kaya sa madaling sabi ay nagkaroon pa ito ng 420 Pesos matapos lamangan si Nanay Liza.

Narito ang malungkot na pahayag ng matanda sa pangyayari:

"Hindi ka na naawa sa matanda! Binayaran mo ng pekeng Php500. Halos nanlumo yung matanda dahil nakuha mo ang puhunan niya. Nakakuha ka na ng halagang 80 pesos na kakanin, nasuklian ka pa ng 420 pesos sa peke mong pera!"

Dahil sa pangyayaring ito ay maraming netizens ang nahabag at nalungkot para sa matandang patas na naghahanap buhay at kumakayod. Mabuti na lamang at naisipan ni Mylyn, isang concern citizen na ibahagi ang post tungkol kay lola na tindera ng kakanin.

Sa post ay kanya ding nilagay ang address at contact number ng matanda, n amabilis naman nag viral sa socmed.

Matapos maging viral ang storya ni Nanay Liza sa socmed ay bumuhos ang tulong sakanya. Na naging dahil upang mabilis nitong nabawi ang naibayad na pekeng pera sakanya. Bukod pa dito ay labis pa ang natanggap nito sa halagang nawala sakanya.

Kung minsan talaga may mga bagay na nawawala sa atin at sa pagkawala nito ay meron namang magandang kapalit o di kaya naman ay mas higit pa na papalit.

Tunay na kahanga-hanga ang istorya ni nanay Liza at talagang kahanga-hanga din na sakabila ng maraming manloloko sa mundo ay hindi naman papadaig ang bilang ng mga may mabubuting loob kagaya ng mga tumulong kay nanay liza.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento