Nagsilbing inspirasyon sa iba na bumangon mula sa matinding heartbreak ang pinagdaanan ng babaeng ito na tumuloy pa din sa kaniyang bridal shoot kahit pa man siya ay hindi pinakasalan ng kaniyang fiance na pitong taon niyang ka-relasyon.
Sa mga larawan na ibinahagi ni Manna Samantha Luna o Sam na kuha ng Athina de Ocampo Creative Studios, makikita ang kagandahan at pagka-blooming ni Sam habang suot kaniyang wedding gown habang siya ay nasa loob at labas ng simbahan.
Ngunit, walang groom na naghihintay para kay Sam dahil ang mga larawan ay kuha dalawang taon matapos na makipaghiwalay sa kaniya ang kaniyang fiance na kaniyang naging ka-relasyon sa loob ng pitong taon.
Pagbabahagi ni Sam,
"May gown na ako, so 'yun. Then one day bigla na lang na ayaw na niya. Ang sinabi niya sa aking reason is hindi niya kayang ibigay 'yung love na binibigay ko sa kaniya."
Ngunit, hindi naging madali para kay Sam na mag-move on ngunit siya ay pumayag pa din na dumalo sa photoshoot upang magbigay ng inspirasyon para bumangon matapos ang matinding heartbreak.
Ngayon ay hindi na nag-uusap si Sam at ang dating fiance na ngayon ay mayroon ng bagong karelasyon.
Matapos ang kanilang hiwalayan, pinagtuunan na lamang ni Sam ng pansin ang kaniyang pangarap na maging isang doktor. Ngayon ay sinisimulan na niya ang kaniyang medical school.
Nagbigay din si Sam ng ilang tips para maka-move on mula sa matinding heartbreak.
Saad ni Sam,
"First is to acknowledge na wala na. Then after that, i-accept mo na hindi na nga mangyayari talaga. Iiyak mo 'yon, isigaw mo kung anong gusto mong gawin. Basta i-feel mo, mag-grieve ka about it."
Dagdag pa ng dalaga,
"Siyempre kailangan may will ka, kailangan gusto mo rin talagang mag-move on."
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento