Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Kilalanin Ang "Hot" Boyfriend At Coach Ng Olympic Gold Medalist Na Si Hidilyn Diaz

Bukod sa isa sa mga nagbigay karangalan sa ating bansang Pilipinas, itinuturing na din ngayong celebrity ang female weightlifter na si Hidilyn Diaz simula noong siya ay maging Olympics silver medalist.

Katulad ng ibang personalidad, marami na din ang naging interesado sa personal niyang buhay at ilang mga detalye tungkol sa kaniya. Isa na nga dito ay ang interes ng marami sa kaniyang buhay pag-ibig.

Naitampok na sa ilang mga TV shows at nailathala ng ilang publications at websites sina Hidilyn at ang kaniyang Filipino-Japanese Guamanian boyfriend na si Julius Naranjo.




Si Julius ay isa ding weightlifter na lumaban na din internationally. Sila ay nagkakilala ni Hidilyn sa isang weightlifting championship noong taong 2017.

Ngunit, sa kasamaang palad ay nagkaroon ng career-ending back injury si Julius na naging dahilan ng kaniyang maagang pagreretiro sa kumpetisyon.

Ayon sa ulat mula sa PEP.ph, lubos na pinaghandaan ni Hidilyn ang na-postpone na 2020 Tokyo Olymapics na itinuloy ngayong Hulyo 2021. Kaya naman noong mga panahon na siya ay na-lockdown sa Malaysia noong nakaraang taon, ginugol niya ang mga oras niya para sa training.

Kasama ni Hidilyn sa kaniyang training camp ang strength ang conditioning coach at kasinatahan niya na si Julius.

Sa isang panayam ni Hidilyn sa editors ng Summit Media nitong Marso, naitanong sa kaniya kung mahirap bang maging coach ang kaniyang kasintahan.


Para kay Hidilyn, napaka-swerte niaya dahil naging coach niya ang kaniyang kasintahan. Ngunit, alam niya na mahirap din ito para sa kaniyang kasintahan dahil aniya ay mahirap turuan ang mga elite athlete, katulad niya.

Sagod ni Hidilyn,

"Sa totoo lang ayaw namin pag-usapan na ganun. Swerte ako na yung coach ko ay boyfriend ko din. Pero mahirap din. Sa part niya kasi mahirap turuan ang elite athlete, lalong lalo na ako. Hindi ako basta basta nakikinig, kinukwestiyon ko lahat at hindi ako basta basta sumusunod."


Dagdag pa niya,

"Pero as a couch, kailangan we have to prove na magaling ka. Kasi elite athlete ako eh... Pero right now, swerte ako na magaling yung coach ko, magaling siya. At magaling din yung image na pinapalakas nila ako.


"So kung kumusta ako, swerte ako na nandito sila, na nandito din yung coach ko, na nandito siya, si coach Julius. Nung time na ayoko na, ayoko na.. Syempre nasa pand3mic tayo. May mga time na ayaw ko na, nandyan sila para i-lift ako."


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento