Natatandaan niyo pa ba si Geralyn Madrigal Gaspar o mas nakilala nga ng publiko bilang ang aktres na si Ehra Madrigal? Isa lang naman siya sa mga aktres noon na ang angking kagandahan ay hinahangaan at pinapantasya ng maraming kalalakihan.
Si Ehra Madrigal ay ang nakatatandang kapatid ng aktres na si Michelle Madrigal, at sila ngang magkapatid ay parehong naging produkto ng talent search noon ng ABS-CBN na ‘Star Circle Quest’.
Matapos ang ilang taon niya sa ABS-CBN ay lumipat siya sa rival network na GMA-7, kung saan ay naging parte siya ng ilang mga serye nito, kagaya na lamang ng Mulawin, Encantadia, Enteng Kabisote at Majika.
Maliban pa nga sa pagiging isang mahusay ring aktres ni Ehra Madrigal noon, ay nagtataglay rin siya ng kaakit-akit na kagandahan at kaseksihan, kaya naman madalas din siyang napapabilang noon sa Top 10 ng FHM Philippines.
Sa ngayon ay hindi na nga aktibo pa sa mundo ng showbiz ang dating aktres, dahil matapos niyang ikasal sa Filipino-Chinese businessman na si Tom Yeung ay nagdesisyon siya na magpokus na lamang sa kanyang buhay may pamilya.
Ikinasal si Ehra Madrigal sa kanyang asawang si Tom noong taong 2007 sa Rosary Parish sa isla ng Boracay. Ang nasabing kasal ay simple lamang ngunit ito ay makabuluhan, at ang tang inga lamang dumalo sa okasyon na ito ay ang kanilang mga pamilya at ilang mga piling kaibigan sa showbiz.
Sina Tim Yap, Karel Marquez, at ang magkapatid na sina Alodia at Ashley Gosiengfiao na pinsan ng mister ni Ehra ang kabilang sa mga personalidad na dumalo sa kanilang naging pag-iisang dibdib.
Ngayon nga ay aktibo sa pagba-vlog si Ehra sa kanyang YT at madalas nga ay puro travel ang kanyang content. Ilan nga sa mga lugar na kanilang napuntahan ay ang Zambales, Boracay, Coron, HongKong, Japan at London.
Makikita naman sa isang video vlog ng dating aktres na ngayon ay kasalukuyan siyang nasa Batangas, at ini-enjoy ang buhay probinsya. “Been staying here in the province for a year now and I’m really enjoying it here. My introvert self in thriving. Being surrounded with nature is truly comforting.
“By slowing down and letting yourself notice the smell, sound, and feel of nature, you become more present and aware. I’m at my happiest by the sea… I love the slow-paced provincial life and just living in the moment than being constantly on my phone. I can seriously live here.
“But in the meantime, will continue to savor each moment and be mindful of the energy around me. *grateful Sunday*.”
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento