Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Neil Coleta Masayang Inihayag Na Magkakaroon Na Sila Ng Baby Girl

Masayang inihayag ng aktor na si Neil Coleta noon lamang ika-7 ng Hunyo na sila ng kanyang nobyang si Chin Kee ay magkakaroon na ng anak, at ito nga ay sa pamamagitan ng kanyang pagbabahagi ng isang gender reveal party na inayos ng kanilang mga kapamilya at kaibigan, kabilang na nga rito ang magkasintahan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.




“It’s a Girl… Yahoo. Pero para sakin, sabi ko nga… kung ano man po kalabasan ng genderm okay na po kami dahil blessing po galing sa Panginoon. Maraming salamat po.. and pangako iingatan namin siya at mamahalin”, ang naging pahayag ni Neil sa kanyang post.

Photo Credit: imcoletaneil/Instagram

May naging mensahe naman siya para sa kanyang nobyang si Chin Kee, na malapit na ngang maging isang ganap na mommy. Ipinahayag niya sa mensahe niya kung gaano niya ito kamahal sa kabila ng maaring marami pang pagsubok na darating sa kanilang buhay.

Photo Credit: imcoletaneil/Instagram

“Lalo na sayo Chin Kee. Alam ko sa mga susunod na araw mas madaming pagsubok ang darating …pero andito lang ako para sayo. Mahal na mahal kita, at salamat din sa mga friends and family na sumusuporta.”

Photo Credit: imcoletaneil/Instagram

Samantala, sa socmed naman ni Chin Kee ay kanyang ibinahagi kung gaano siya kasaya ngayon na mabibigyan na ng katuparan ang pangarap nila na bumuo ng isang masayang pamilya.

Photo Credit: imcoletaneil/Instagram

“We’re having a #babygirl soon. Thank God sa tiwala sa amin ni [Neil] na biyayaan kami ng malaking blessings. Ibibigay naman lahat para kay baby. Mamahalin ng sobra sobra.
“Eto po yung matagal na naming pangarap pareho, na magkaroon ng baby kaya sobrang happy namen nung una pa lang na nalaman na buntis ako”, saad ni Chin.

Photo Credit: imcoletaneil/Instagram

Dagdag pa niya, “Mahal thank you sa lahat lahat. You’re the best partner/daddy to us. Mahal na mahal ka namin ni baby.




Si Neil Coleta ay isang 29-taong gulang na aktor na napanood na natin sa ilang mga pelikula at serye sa ABS-CBN kagaya na lamang ng 100 Days to Heaven, Juan Dela Cruz at FPJ Ang Probinsyano.

Siya’y huling napanood sa pelikula ng Star Cinema na “Princess DayaReese” na pinagbidahan nina Maymay Entrata at Edward Barber. Ang kanya namang nobya na si Chin Kee ay isa sa mga mananayaw sa programang “Wowowin” ng GMA-7.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento