Sa panahon ngayon ay marami pa rin nga talaga tayong mga kababayan na may malasakit sa kapwa, na kahit sa simpleng pamamaraan nila ay nagagawang ipahatid ang kanilang pagtulong sa nangangailangan.
Isa na nga sa mga halimbawa nito, ay ang isang security guard na nag-viral kamakailan lamang sa social media, kung saan ay kumalat ang mga larawan nito na makikita ang naging pagmamalasakit nito sa mga batang kalye.
Makikita nga sa larawan na nag-viral online ang isang security guard, na sa kabila ng pagdyu-duty sa kanyang trabaho, dahil kita naman na ito ay naka-uniporme pa at naka-upo sa kanyang puwesto, ay abala ito sa pagtuturo sa isang batang kalye, kung paano ang magsulat at magbasa.
Ayon sa naging ulat, ang security guard na nasa viral na larawan ay nagdyu-duty sa isa sa mga kilalang pawnshop sa bansa, at ito nga ay ang branch ng Palawan Pawnshop na malapit lamang sa Arellano University.
Ang netizens na si John Robert Flores an siyang kumuha at nagbahagi ng larawan ng sekyu na nagmalakasit ngang magturo ng pagsulat at pagbasa sa mga batang kalye.
Sa naging paglalahad ng netizens na si John Robert, madalas umano niyang nakikita ang security guard na may mga batang tinuturuan habang naka-duty ito sa trabaho.
Ngunit ng mga oras nga na kunan niya ito ng larawan, ay tanging isa lamang na bata ang nasa tabi nito na tinuturuan nga nitong magsulat a at magbasa.
Samantala, batid ng marami sa atin na ang trabaho ng isang security guard ay hindi madali,
dahil isa ang trabahong ito na kung saan ay maaring malagay sa panganib ang iyong buhay. Maliban pa dito ay nakakainip at mainit ang trabaho na ito, dahil nga sa maghapon ka lamang magbabantay sa establisyamentong iyong pinagtatrabahuan.
Ngunit para umano sa security guard na nag-viral ay mahalaga ang kanyang trabaho, dahil sa tuwing siya naman ay walang ginagawa ay nagagawa niyang makatulong sa mga batang kalye na nakikita niya na dumaraan sa kanyang puwesto.
Maliban pa nga sa pagbabahagi ng netizens na si John Robert Flores sa kabilib-bilib na ginagawa ng manong security guard sa mga kabataan, ay ibinahagi rin ng netizens kung gaano niya na-appreciate ang ginagawa nito, kung saan sa simpleng pamamaraan nga ay nakakatulong ito na magkaroon ng edukasyon ang mga batang kalye.
Kung iisipin ay talagang malaki ang naitutulong ni Manong Guard sa mga batang kalye, dahil maaring ang simpleng ginagawa niyang pagtuturo sa mga batang ito ng pagsusulat at pagbabasa ay maging daan para sa mga ito na magkaroon ng magandang kinabukasan.
· Reply · 1w
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento