Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

“Lola’s Love” Isang Lola Ang Nag Ipon Mula Sa Kinikita Sa Paglalako Ng Gulay Para Lang Mabili Ang Pang Online Class Na Cellphone Ng Kanyang Mahal Na Apo

Isang netizens na kinilalang si John Mico Tan ang nagbahagi ng larawan ng mag-lola sa kanyang social media kamakailan lamang. At dahil sa nakakaantig ang kuwento ng mag-lola ay agad naman itong nag-viral.




Sa naging paglalahad ni Mico, nang siya ay nasa isang Mall sa Muntinlupa ay naging agaw-pansin sa kanya ang isang bata na na labis ang nadaramang saya. Dito nga niya napag-alaman na kaya labis ang tuwa ng nasabing bata, ay dahil may magagamit na ito sa kanyang online class matapos itong bilhan ng kanyang lola ng cellphone.

Image Credit via Google

Ayon pa kay Mico, ang lola ng nasabing bata ay nakilala niyang si Nanay Emma Abucay Monta, na ang hanapbuhay ay ang pagtitinda ng gulay, at labis nga na nagmamahal sa kanyang apo.

Image Credit via Google

Kuwento pa ng photo uploader na si Mico, matapos niyang maibahagi ang larawan ng mag-lola, kinabukasan ay agad niyang binisita si Nanay Emma, at dito niya nalaman na ang ipinambili nito ng cp ng kanyang apo, ay mula sa kanyang kinikita sa pagtitinda ng gulay.

Iniipon nga umano ni Nanay Emma ang 20-50 pesos niyang kinikita araw-araw para lamang mabuo niya ang kinakailangan niyang halaga sa pambili ng cellphone ng kanyang apo, na alam niyang labis na magpapaligaya rito.

Dahil nga sa nilalaman ng kuwentong ito ay ang pagmamahal at sakripisyo ng isang lola sa kanyang minamahal na apo, ay agad naman itong umantig sa puso ng mga netizens.

Marami nga sa mga netizens ang humanga sa pagmamahal ni Nanay Emma sa kanyang minamahal na apo, dahil sa kabila ng hirap ng buhay na kanilang nararanasan, idagdag pa ang kinahaharap na krisis ngayon, ay hindi niya ito alintana ang pagod sa pagtitinda ng gulay para makaipon ng pera upang maibigay niya ang pangangailangan ng kanyang apo sa pag-aaral nito.

Samantala, maihahambing naman sa nag-viral na kuwento noon na isang comic strip na gawa ng Filipino artist na Xiaoness ang nakaka-antig na kuwento na ito ni Nanay Emma at ng kanyang apo.




Sa istorya kasi ng nasabing comic strip, ay ibinahagi rin ang pagmamahal ng isang lola sa kanyang apo. Kung saan matapos ngang matanggal sa trabaho ng lola, ay minabuti nito na tumanggap ng labahin, para lamang may kitain at maibigay ang gadget na hinihingi ng paaralan para sa pag-aaral ng kanyang apo.


Source: Famous Trends
Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento