Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Kilalang Magandang Aktres, Hindi Ikinakahiya Ang pagbebenta Ng Mga Dried Fish Gaya Ng Dilis At Danggit

Proud na ibinahagi ng StarStruck Alumna at Kapuso aktres na si Nadine Samonte ang kaniyang dried fish business at tinawag ang kaniyang sarili bilang bagong Dilis at Danggit Queen.

Inamin ni Nadine na isa sa mga paborito niyang pagkain ay ang mga dried fish, lalo na ang unsalted danggit. Kahit nga ang kaniyang anak na si Heather ay paborito din itong kainin.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi ng aktres ang mga kaniyang mga produkto na ibinebenta online.

Aniya sa caption ng post,

"Yes we sell dried fishes na din. You know why? Nung nakatikim ako nito super sarap why? Actually matagal nko bumibili nyan and lagi kami (meron) dito sa house kasi (fave) din ni Heather ang danggit and dilis."

Dagdag pa ni Nadine, ang mga seafoods na binebenta niya kagaya ng palad flakes, small dilis, danggit, big dilis boneless, at sweet pusit ay mga "unsalted at fresh from Masbate."


Nagmula kasi sa Masbate ang kanilang supply ng dilis, danggit, at iba pang mga dried seafoods na kaniyang ibinebenta. 

Saad ng aktres,

“Alam kong pinaghirapan hulihin ng mga fishermen at ibilad at alam ko matrabaho ito, and I think iyon iyong special about these dried fishes.”

Pagbabahagi ni Nadine, nagsimula daw siya sa negosyong ito nang siya ay tanungin ng isa sa kaniyang mga helper kung nais niyang magtinda ng dried fish at doon niya nga napagtanto na maaari niyang ibenta ang mga ito dahil mahilig din naman siya dito.


“Kasi bihira talaga iyong makakatikim ka ng masarap, ‘tapos hindi maalat. So, I told our helper to tell her ate I wanted to try to sell these dried fishes. And doon nag-start.”

Saad pa ng aktres ay hindi niya ikinahihiya ang pagbebenta ng mga dried fish.

“Hindi ako nahihiya na magbenta ng ganito kasi sa panahon ngayon kelangan natin maging madiskarte and hindi nakakahiya kasi masarap talaga??”

Ayon sa aktres, tinawag din daw siya ng kaniyang asawa bilang "new D&D (Danggit at Dilis) queen of the South."

Sa ngayon ay determinado si Nadine na mapalago pa ang kaniyang munting negosyo upang makapagbigay din ng tulong sa kaniyang kapwa na patuloy na nagsusumikap ngayong pand3miya.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento