Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Isang Pamilya, Nagulat Sa Nakita Sa Loob Ng Pinakakaingatang Bag Ng Yumaong Ama

Walang kahit na sino o kahit na anong bagay ang makakapantay sa pagmamahal ng isang magulang para sa kanilang anak. Kaya naman kahit nahihirapan na ay patuloy pa din silang naghahanapbuhay upang masuportahan ang kanilang pangangailangan sa araw-araw. 

Naging viral sa social media kamakailan lamang ang isang makabagbag-damdaming kwento na ibinahagi ng netizen na si Dy Dela Paz kung saan pinatunayan nito na kahit sa huling hininga ng kaniyang ama ay iniisip pa din nito ang pamilya na kaniyang maiiwan.

Ayon kay Dy, noong una ay problemado sila sa pera pampalibing ng kaniyang ama. Ngunit noong sila ay naghanap ng pera, doon lamang nila napansin ang bag na matagal ng tinatago ng kaniyang ama.

Saad ni Dy, lagi umanong iniingatan ng kaniyang ama ang bag na ito noong ito ay nabubuhay pa.

"Grabe ang bigla namin pare pareho ng nakita namin ang inipon mong pera tay. Kaya pala lagi mo sinasabi kay nanay na wag ng mag withdraw sa banko dahil may pera kang tinatago. Sabi mo kay nanay hanapin mo ang wallet ko alam ko may tinago akong pera. Hindi namin alam na ganun kalaki ipon mo tay."

Ayon kay Dy, noong nabubuhay pa ang kaniyang ama ay lagi nitong dala ang kaniyang bag kahit saan ito magpunta. Ngunit, laking gulat na lamang nila ng makita nila ang malaking halaga ng pera na nakatago dito. Saad ni Dy ay nasa mahigit na P205,000 ang pera na nakatago sa bag.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga netizens ang nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya nila Dy.

Marami din ang hindi mapigilan na magpahayag ng kanilang paghanga sa kanilang ama dahil sa pagiging masinop nito sa pera na hanggang sa huling hininga nito ay hindi niya hinayaan na maging mahirap ang lahat para sa kaniyang pamilya.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento