Walang makakapantay sa pagmamahal ng isang magulang para sa kanilang anak. Handa nilang isakripisyo ang lahat at gawin ang kanilang makakaya para lamang maibigay ang kanilang mga pangangailangan.
Kaya naman bilang anak ay ginagawa din nila ang kanilang makakaya para kahit papaano ay maibsan ang hirap ng kanilang mga magulang at ibinibigay ang mga bagay na nararapat sa kanila.
Kamakailan lamang ay umantig sa puso ng marami ang ginawa ng mga bata para sa kanilang ama. Sa larawan na ibinahagi sa social media, makikita ang paghahanda na ginawa ng kapatid upang sorpresahin ang kanilang ama para sa kaarawan nito.
Kadalasan, madalas nating nakikita ang cake at mga nakasabit na lobo tuwing mayroong kaarawan ngunit sa halip na lobo, plastik na mayroong nakalagay na happy birthday ang kanilang isinabit at itlog naman ang ginawa nila bilang cake.
Ang naturang larawan ng magkakapatid habang inihahanda ang sorpresa para sa kanilang ama ay mabilis na nag viral sa social media. Marami ang naantig sa ginawa ng magkakapatid at humanga sa kanilang diskarte upang mabigyan pa din ng simple ngunit masayang selebrasyon ang kaarawan ng kanilang ama.
Narito ang kabuuang post mula sa netizen na si Melody Silang:
"Nakakatatsss nmn ang mga kapitbahay ko sapagkat kahit mahirap lamang ang buhay nagawa nilang mag effort para sa kaarawan ng kanilang ama ang plano nila ay isorpresa ang ama pagdating sapagkat nag nasa trabaho pa ito…nakakataba ng puso ang gantong mga eksena…sakadahilanang wlang perang pambiling lobo ay nag gawa sila gamit ang plastick labo at sinulatan ng happy birthday papa…at nagawa pa sila ng cake na gawa sa itlog.”
Narito naman ang komento mula sa mga netizens:
"Malau ang mararating ng mga batang ito ..salat man sa buhay pero natutu clang magplano. kung panu isorpresa tatay nila .. wag masyadong maliitin ang mga batang yan..magaling mgplano kc PLANADO ..how much more in the future?! maliit na bagay pero planado. TAGUMPAY PA RIN YAN, mga bata pa lang OPTIMISTIC NA."
"God bless their home."
"Simpleng bagay pero ang laking saya para sa mga anak na gumawa ng paraan para mapasaya ang magulang. God bless you!"
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento