Hanapan ang Blog na Ito

Pinapagana ng Blogger.

Simpleng Kasalan, Naakatanggap Ng Papuri Online

Ang kasal ay isa sa mga memorable at espesyal na araw para sa dalawang taong nagmamahalan. Kaya naman karamihan ay talagang pinaghahandaan ang kanilang kasal dahil ito ay minsan lamang mangyari sa kanilang buhay. Ngunit, may ilan na mas pinipili na magkaroon ng simpleng kasal.

Gayunpaman, magarbo man o simple ang kasal, ang mas importante pa din ay nangingibabaw ang pagmamahalan ng dalawang tao at ang kagustuhan nilang makasama ang isa't isa sa habambuhay.

Naging viral sa social media nito lamang ang mga larawan ng isang bagong kasal na simple lamang ang mga handa sa kanilang reception.


Sa post ng Facebook page na Partidarios, makikita ang bagong kasal na nakaupo sa harap ng isang simpleng lamesa. Sa gilid naman nila ay makikita ang mga nakasabit na pink na lobo.

Sa gitna ng venue, makikita ang isang mahabang lamesa kung saan nandoon ang mga kubyertos, plato, ulam, kanin, at softdrinks. Marahil ang lamesa na ito ay inihanda para sa mga principal sponsors ng kanilang kasal.

Hindi naman mapigilan ng bride na maging emosyonal at maluha sa sobrang saya dahil kahit simple lamang ang naging selebrasyon para sa kasal ay sa wakas ay makakasama na niya ang lalaking gusto niyang makasama sa habambuhay.

Sa iba pang mga larawan ng dalawa, makikita naman ang kagandahan ng kanilang lugar dahil sila ay nagkaroon pa ng mini photoshoot.

Suot ng bagong kasala ang kanilang mga damit at makikita sa ngiti ng kanilang mga labi ang kasiyahan na nadarama.

Hindi mo aakalain na ang pinag ganapan ng kanilang photoshoot ay malapit lamang sa kanilang bahay dahil sa ganda ng tanawin sa background ng kanilang larawan. Dagdag pa dito ang magandang sikat ng araw.


Ang bagong kasal na ito ay patunay lamang sa pagiging kuntento nila sa kung ano man ang mayroon sila dahil mas importante ay nasa tabi nila ang kanilang minamahal.


Share on Google Plus

About woke

This is a short description in the author block about the author. You edit it by entering text in the "Biographical Info" field in the user admin panel.

0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento