Kamakailan lamang sa isang documentary show, ay ibinahagi ang kuwento ng mag-asawang nagsimula ng negosyo sa kapital na Php100 at dahil sa kanilang sipag, tiyaga at pasensya ay pumatok ang negosyo nila, na naging daan upang mabango ang estado ng kanilang pamumuhay.
Sa probinsya ng Batangas, naninirahan ang nasabing mag-asawa, kung saan noon umano ay pareho silang nagtatrabaho sa isang restaurant at kumikita pareho ng minimum na sahod ng isang empleyado.
Ayon sa naging paglalahad ng mag-asawa, noon ay may isang tao na inalok sila na bumili ng bahay at lupa, at hindi umano ito magiging mabigat dahil nga sa ito ay hulugan naman.
Nu’ng una ay hindi umano nila pinansin ang naging alok sa kanila na ito dahil nga sa batid nila baka hindi sumapat ang kanilang sinasahod para sa lahat ng magiging bayarin nila. Ngunit ng mapag-isip isip umano ng mag-asawa n akung sakali namang mabili nila ang bahay at lupa, ay magiging investment naman nila ito.
Kaya naman nagdesisyon nga sila na kunin ang inaalok sa kanila ng nasbaing tao. At dahil nga sa may nadagdag na naman na bayarin, ay nag-isip naman sila kung paanong madadagdagan ang kinikita nila upang mapunan ang mga kailangan nilang bayaran at gastusin buwan buwan.
Sinubukan ng mag-asawa ang magtinda ng kung ano-ano. Ang negosyo na una nilang pinasok ay ang pagtitinda ng banana cue, kung saan ay halagang Php100-150 lamang ang kanilang tinutubo kada araw.
Kaya naman muli silang nag-isip ng iba pang pagkain na maari nilang lutuin at itinda, at dito na nga nila naisip na gumawa at magluto ng siomai. Magmula nga ng subukin nila ang pag-gawa ng siomai, ay napansin ng mag-asawa na ang produkto nilang ito ang patok sa mga customers nila. Kaya naman sa huli ay dito na sila nagpokus.
Hindi naman sila binigo ng desisyon nila na magpokus sa siomai, dahil ito ang nagbigay sa kanila ng magandang kita araw-araw. Sa tuloy-tuloy nga nila na pagtitinda ng siomai at sa magandang kita na ibinibigay nito, ay nagawa nilang makabili ng ilan pang mga foodcart, na ipinagamit naman nila sa kanilang mga reseller.
Dahil sa magandang kita sa kanilang negosyo, ay huminto na sa pagtatrabaho sa restaurant ang mag-asawa, ito nga ay upang mas mapokusan pa nila lalo ang pagpapalago ng kanilang siomai business.
At mula nga sa maliit nila na puhunan sa siomai, ay kumikita na ngayon kada araw ang mag-asawa ng Php45,000-50,000. Kaya naman malaki ang pasasalamat nila dahil sa hindi sila nabigo sa negosyong kanilang pinasukan.
Ang binabayaran nga noon ng mag-asawa na kanilang bahay, ay natapos din nilang bayaran dahil sa kanilang magandang kita sa siomai. Ibinahagi ng mag-asawa ang kuwento ng kanilang naging tagumpay sa negosyo upang magbigay inspirasyon sa iba na nagnanais din pasukin ang pagnenegosyo.
Ayon pa sa kanila, hindi madali ang pagnenegosyo, ngunit kapag ang iyong determinasyon sa pagpapa-unlad ng iyong negosyo ay sinabayan mo ng sipat at tyaga ay hindi magiging posible ang iyong pag-asenso at pag-unlad sa negosyong iyong pinasok.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento