Nakilala bilang isa sa mga host ng defunct Kids gag show ng ABS-CBN na “Goin Bulilit” si Romeo ‘Romy’ Pastrana o mas kilala nga ng publiko bilang si Dagul.
Batid natin na si Dagul ay may kundisyon na tinatawag na ‘dwafism’, subalit sa kabila nito ay natagpuan pa rin niya ang taong tunay na magmamahal sa kanya. Ikinasal siya sa kanyang non-showbiz wife na normal ang taas, at ang kanila ngang pagsasamang mag-asawa ay nabiyayaan ng apat na mga anak. Tatlo ang kanilang naging anak na lalaki, at nag-iisa naman ang anak nilang babae na tanging ‘unica hija’ nga ng pamilya.
Tulad ng kanilang ina, ay normal ang taas ng tatlong anak ng mag-asawa, ngunit ang bunso at nag-iisang anak na babae, ay namana naman ang kundisyon ng kanilang amang si Dagul, kung saan sila nga ay parehong mayroong genetic condition na kung tawagin ay ‘dwarfism.’
Ang anak ni Dagul na bunso at tanging babae, ay ang 17-taong gulang na si Jkhriez, kung saan dahil nga sa kanyang kundisyon ay aminado siya na noong siya ay nasa grade school pa lang ay nakaranasa siya ng pambu-bully dahil sa kanyang kundisyon. Dagdag pa niya, noon nga daw ay may naging kaklase siya na sobra at below the belt na talaga kung mam-bully sa kanya.
“Pag nakita dawnila or nakaaway nila ako hindi daw ako makakalaban kasi isang sipa lang naman nila sa akin, tutumba na ako. So naisip ko, hindi ba nila nage-gets ‘yung sitwasyon ko.”
Samantala, sa kabila ng kanyang kundisyon at mga naranasang pambu-bully noon, ay makikita naman sa dalagang anak ni Dagul na ito ay isang masayahin at palangiti.
Para naman kay Jkhriez, ay hindi niya ikinahihiya ang kanyang kundisyon, at proud siya sa kanyang sarili, dahil alam niya na kung ano ang kanyang gawin ng isang tao na may normal na taas, ay kaya rin niyang gawin.
Kahit naman hindi normal ang taas ng dalaga, ay may maipagmamalaki naman itong talent, dahil sa kanyang pagkakaroon ng magandang tinig. Ayon sa ulat, noong 1-taong gulang pa lamang siya, ay nadiskubre na ng kanyang ina ang kanyang husay sa pag-awit. Kaya naman simula noon ay madalas na siyang sumali sa mga ‘singing contest.’
Paminsan-minsan din ay nakukumbidahan siya na umawit sa mga okasyon, o di kaya naman ay fiesta sa barangay. Pagdating naman sa nakatatandang tatlong kapatid na lalaki ni Jkhriez, ay maayos ang trato ng mga ito sa kanya, at kung ituring pa nga siya ng mga ito ay prinsesa lalo na at siya ang nag-iisang kapatid na babae ng mga ito.
Sa isang episode naman ng Bawal Judgemental ng Eat Bulaga GMA-7 noon lamang ika-17 ng Hunyo taon ng kasalukuyan, ay ibinahagi ni Dagul kung paano niya dinidisiplina ang kanyang mga anak.
“Actually, mahirap talaga dahil ako maliit lang yung tatlo ko ang lalaki pero dinadaan ko na lang sa malaking boses. Sinasabi ko naman sa kanila kahit ganito ang tatay niyo, kayong malalaki, makinig naman kayo” , pahayag ni Dagul.
Ang bunsong anak ni Dagul na si Jkhriez ay hindi lang basta may talent sa pag-awit, dahil maliban dito ay isa ring achiever ang dalaga sa kanilang eskwelahan. Sa katunayan pa nga noong ito ay magtapos ng Grade 6, ay nakuha nito ang pang 6th honor.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento