Si Rommel Padilla ay nakilala bilang isang aktor sa showbiz, at maliban pa dito ay kilala rin siya bilang ang ama ng isa sa pinakasikat at popular na aktor sa industriya ngayon ng showbusiness na si Daniel Padilla.
Sa ngayon nga ay hindi na ganun kaaktibo si Rommel sa kanyang karera sa showbiz, at ito nga ay dahil sa mas naging pokus at masaya ang aktor ngayon sa kanyang pamumuhay sa probinsya, kung saan ay abala ito sa pagpapalago at pamamahala ng kanyang malawak na palayan.
Kamakailan nga lamang sa kanyang social media account ay masayang ibinahagi ni Rommel sa kanyang mga tagasubaybay ang naipundar niyang malakawak na palayawan na matatagpuan sa Nueva Ecija.
Ayon nga sa aktor, sa ngayon ay hindi lamang ang pagpapalago sa kanyang sariling palayan ang layunin niya, kundi nais niya rin na makatulong sa iba pang mga magsasaka upang maging malakas ang ani ng mga ito.
At upang mas mapalawig nga ang kanyang hangarin na matulungan ang mga magsasaka, ay nakipag ugnayan siya sa isang kumpanya ng Agritech. Makikita nga sa isang post ng aktor, ang naging pasasalamat niya sa kumpanyang tumulong sa kanila na mas lalong mapalawig ang kaalaman sa pagsasaka upang mas dumami pa nga ang ani nila.
“Maraming salamat po sa SL-AngriTech at kay Sir Joseph sa inyong suporta at layuning palakasin ang ani ng bawat MAgsasaka!!!!! HaymabU! #PalayayBuhay #BuhaysaKabukiran #UnaangMagsasaka #MabuhayNovoEcijanos”
Makikita pa nga sa isang IG post ni Rommel ang naging pagbabahagi niya ng mga larawan ng kanyang malawak na palayan, kung saan ay kasama niya pa rito ang iba pang mga magsasaka na abala sa gawain nila na pagtatanim ng palay.
Ang larawan naman na ito ay nilagyan niya ng caption na;
“Palay ay buhay. Dalangin ko po naway maging hitik sa bunga ang lahat ng aming ipinunla upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya at ang ating pamayanan. Ang DIYOS ang siyang pinaka-Dakila.”
Pinatunayan ng aktor na ang buhay ng isang magsasaka ay hindi biro, ngunit kapag ikaw naman ay pursigido na mapalago ang iyong tanim at nasa iyong puso talaga ang pagtatanim, ay panalong-panalo nga sa panahon na ang mga ito nga ay iyo ng aanihin.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento