Hindi nga lamang mga ordinaryong mamayan ang naapektuhan ng pandemy@, dahil marami rin sa mga kilala nating personalidad sa industriya ng showbiz ang nawalan ng proyekto dahil sa krisis na ito.
Kaya naman ang iba sa kanila, ay naghanap ng ibang mapagkukunan ng “income”, kagaya na lamang nito ay ang dating child actor na si Lester Llansang.
Bago pa mawalan ng proyekto si Lester Llansang sa showbiz, ay napanood pa natin siya sa Kapamilya Primetime series na “FPJ’s Ang Probinsyano”, kung saan ay limang taon din siyang naging parte nito.
At matapos nga ang kanyang proyekto na ito, ay wala ng sumunod pa na trabaho sa kanya sa showbiz, kaya naman kinailangan niyang mag-isip o maghanap ng ibang mapagkakakitaan para matustusan ang kanyang pangangailangan.
Kamakailan lamang ay nakakuwentuhan ng host-vlogger na si Ogie Diaz si Lester, at dito nga ay nakikuwento ng aktor na sa kasalukuyan ay naghahanap-buhay siya bilang isang delivery rider ng isang courier company sa ating bansa.
Sa pagkikuwentuhan ng dalawa ay muling binalikan ng aktor ang unang karanasan niya ng siya ay tumanggap ng kanyang unang booking kung saan ay agad umano siyang nakaranas ng problema.
Ayon sa aktor, sa unang booking niya agad bilang isang delivery rider ay napagtanto na niya na napakahirap pala ng trabaho na ito. Lalo pa sa katulad niya na nung mga panahon na ‘yon ay kulang kulang ang delievery equipment niya.
Pagbabahagi pa ng aktor, nung una ay kumpyansa siya na tanggapin ang booking dahil ang sabi nga sa kanya ng customer ay kasya ang mga kape na ipadedeliver nito at malapit lang naman ang kanyang tinitirhan sa pick-up point ng parcel. Ngunit nasorpresa umano siya ng pagdating niya sa pick-up point ay wala pa palang lalagyan ang mga kahon ng kape na kanyang ide-deliver.
Saad pa ng aktor, hindi pa man siya kumikita ay gumastos na siya matapos niyang bumili ng packaging tape. Lubos din umano ang kanyang pasasalamat sa isang security guard na nagbigay sa kanya ng malinis na garbage bag na siya nga niyang pinangbalot sa mga parcel upang ito ay hindi mabasa ng ulan.
Sa unang booking nga na ito ni Lester ay kumita siya ng 74 pesos, kung saan ay hindi pa nababawas sa halagang ito ang 20% na mapupunta sa courier company niya.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento