Kung ikaw ay madalas na mamasyal sa Baguio City ay malamang naagaw rin ng iyong pansin ang isang pangunahing atraksyon sa naturang lugar, at ito nga ay ang kamangha-mangha sa laki na ‘White House” ng tinaguriang “Lord of Scents” na si Joel Cruz.
Talaga namang nakakaagaw ng pansin ang naturang tahanan na ito ni Joel Cruz, ito nga ay dahil sa napakalaki nito at sa estraktura pa lamang nito s alabas ay mababanaag na ang karangyaan ng naninirahan dito.
Kamakailan nga lamang ay inimbitahan ni Joel Cruz sa kanyang mala-mansyong tahanan ang sikat na architect-vlogger na si Llyan Oliver Austria para silipin ang indoor at outdoor design at ameneties ng loob ng kanyang tahanan.
Malugod na tinanggap ng tinaguriang Lord f Scents sa loob ng kanyang tahanan ang mga netizens, ito nga ay matapos ipasilip ni Llyan sa kanyang vlog ang ilang mga parte ng “white house” ni Joel Cruz.
Ang paglilibot nga sa mala-mansyon na tahanan ni Joel Cruz ay sinimulan ni Llyan sa garahe nito kung saan ay napakalawak naman talaga dahil sampung sasakyan umano ang maaring iparada dito.
Ang kabuuang tahanan umano ni Joel Cruz ay may lawak na 3,000 sq. meters, at dahil sa napakataas nitong estraktura ay talaga namang agaw-pansin ito sa lahat ng napapadaan sa dito. Ayon pa Llyan ang disenyo ng bahay na ito ni Joel Cruz ay dinesenyo ni late Architect Ruben Pamuyo, kung saan ito nga ‘eclectic’ dahil sa pinaghalong rustic, modern, country at industrial ang kabuuang disenyo nito.
Sa naging pagpasok naman ni Llayn sa loob ng magarbong tahanan na ito ay dumaan siya sa napakagandang double entrance door ng bahay, kung saan ay agad ngang bumungad sa kanya ang marangyang interior ng loob nito at ang nakakalula sa taas na high ceiling.
Talaga namang sa living area pa lamang ng bahay ay “royalty feels” na dahil sa Victorian-era inspired design nito. Pagdating naman sa dining area ng naturang mansyon, ay mayroon itong 26-seater dining table. May isang private dining area naman na mayroong 10-seater dining table.
Ibinida rin ni Llyan na mula sa industrial kitchen ng tahanan na ito ni Joel Cruz ay dumadaan sa isang food elevator ang mga pagkain.
Ayon pa kay Llan ang mala-mansyong tahanan ni Joel Cruz na ito sa Baguio ay ipinagawa bilang vacation house ng kanilang pamilya, kung saan ito nga ay mayroong 11 na kwarto at ang 8 nga rito ay tinatawag na ‘deluxe room’ dahil sa tila nga sa isang silid ito sa mamahaling hotel na may kumpletong ameneties.
Video Credit: YouTUbe
Tinawag naman na presidential suite ang kwarto ni Joel Cruz, dahil sa ito ang pinakalamaking silid sa buong tahanan niya, samantala ang kwarto naman ng kanyang ina na mayroon ding magarang disenyo ay tinawag na executive suite.
Maliban pa nga sa mga magagarang kwarto, living area, dining area at kitchen ay mayroon ding cinema room, gym, salon & spa area at napakalawak na swimming pool area ang mansyon na ito ni Joel Cruz.
Source: Famous Trends
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento